Bella's POV Nasa location na kami ngayon kung saan gaganapin ang photoshoot namin. Kahapon sana ang start ng photoshoot namin kaya lang ay masama ang panahon at may bagyo kaya hindi kami natuloy. Ang 2 days na schedule namin ay ginawang 4 days dahil sa bagyo. Puro outdoor ang photoshoot kaya wala kaming magawa kundi ang hintayin na lumabas ng Pilipinas ang bagyo. 2nd day na namin ngayon dito at kinukulit na ako ni Damian. Gusto ko mang umuwi ay hindi pwede. Cancelled ang lahat ng flights at hindi pa tapos ang trabaho ko. Gusto niya sanang sumama sa akin pero hindi niya maiwan ang kompanya niya dahil may mga importante siyang kailangang tapusin at may mga deadline siyang kailangang i-submit sa court sa mga hawak niyang kaso. "Dalawang araw ka na r'yan." Naiinis na wika nito. "I know. Si