Damian's POV Pagkatapos kung magbihis ay umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang picture frame na nakapatong sa maliit na mesa. I smiled and caressed her face. "I need to go, Muffin. I'll be back after I'm done with my work, okay?" Ani ko at pinatong na ulit sa mesa ang picture frame niya. Kinuha ko ang medium size na luggage ko at hinila na ito palabas ng kuwarto ko. Pinatay ko muna ang lahat ng mga de kuryente kong gamit na nakasaksak bago ni-off ang main switch. Lumabas na ako sa condo ko at ni-lock ito. It's been 2 years since Bella passed away. I am breathing but barely alive. Dalawang taon na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin siya makalimutan. I really never tried to move on nor forget her, inaasa ko nalang sa panahon o sa puso ko na kusa iyong mangyari. I guess I love her so