Chapter 43

823 Words

Chapter 43 { Aerika's POV } Nang makaalis na kami roon ay lumitaw na kaming muli. Mukhang malayo na kami roon at ilang lakad na lang naman siguro ay nasa Enchanted Kingdom na kami. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Sana naman ay maging ligtas si Keith at huwag syang mapahamak. Gusto ko syang balikan pero may tiwala naman ako sa kanya. Malakas sya. "Aerika, malapit na tayo." Sabi sa akin ni Charmaine. Tumango lang ako sa kanya. Paano kami nasundan ng black mages? Paano nila nalaman na pupunta kami sa Enchanted Kingdom? Napahinto kaming dalawa ni Charmaine ng bigla kaming makaramdam ng kakaibang aura. Umihip ng napakalakas na hangin sa paligid. Biglang mga nagsilabasan ang mga hayop at nagsitakbuhan paalis. Anong nangyayare? Kakaiba ang aura na ito. Napakalakas. Maitim na aura.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD