Chapter 26 Kenneth's POV Hindi ko alam kung saan ba ako mapupunta ngayon. Basta ang alam ko lang ay ang makalayo sa bwisit na nangyayare ngayon. Mahal ko na sya! Oo! Pagpapanggap lang yung kasweetan ko sa kanya pero hindi ko talaga naiwasan eh! Maganda sya! Mabait! At higit sa lahat, prinsesa pa sya! Halos lahat ng katangian ng babae na gusyo ko ay na sakanya na. Pero alam ko namang malabong maging kami dahil andyan si Keith. Matagal ng mahal ni Keith ang prinsesa ng Wellsfar Kingdom simula nung bata pa. Nangako pa nga sya na papakasalan nya ito pagtanda. Kaya nga nung napunta sa mortal world si Aerika ay sinabi na lang nya na hihintayin nyang bumalik si Princess Aerika at papakasalan nya ito. Ni hindi na nga sya nagdalawang isip eh kung magugustuhan ba sya ni Aerika. Basta bast