Chapter 13 Aerika's Point of View Pagkatapos naming magklase kanina ay nagpunta na kami sa dorm namin nila Charmaine at Maveline. Sabi nga nila, sa Special Room na lang daw ako tumuloy dahil welcome naman daw ako roon. I refused. Nahihiya kasi ako, plus add the fact na nandoon si Keith? Eh? No! Nahihiya ako kasi bago pa lang ako dito tapos parang ang kapal kapal naman ng mukha ko na makiatulog sa room ng mga prinsesa at prinsepe, right? Well, prinsesa din naman parehas sila Maveline at Charmaine, hindi ko nga alam sa kanila kung bakit hindi sila sa Special Room tumutuloy eh. Anyways, nakahiga ako ngayon dito at nasa harapan ko si Charmaine. Gusto ko kasi syang tanungin about more tungkol sa kanila. "Hmm. Charmaine, ano ano ba 'yung mga powers niyo? Abilities?" Tanon