Chapter 31 Inah WHAT am I doing? Titig ako nang titig kay Uncle Brando tapos ay naiisip ko na buntis ako. Para akong tanga. Para akong nag-i-invite ng energy tungkol sa pagbubuntis, samantalang kagabi ay hindi ako matahimik dahil sa bagay na yun. "Ma'am Inah," nakangiting tawag sa akin ni Camilla sa pintuan sabay kaway sa akin. Nakasilip siya kaya tinanguan ko siya para pumasok. I was smiling at her. She walked in. "Pinag-send ko kay bossing yung link ng account mo ha, baka magtaka ka kung paano niya nalaman. Ia-add ka raw sa GC ng mga accountants para sa paggawa ng mga computations." "Of course," tunog head accountant ako. I nodded and took my phone out of my bag to see if I had a new message or message request. "May message na nga, napangiti kong sabi kay Camilla nang sulyapan k

