Chapter 61 Brando I PAUSED when I saw a woman lying on my couch when I entered my office, but automatically, my lips curved into a beautiful smile. Inah. Humakbang ako papalapit sa kanya at nag-squat para makita ang maganda niyang mukha. Mugto ang mga mata niya. Hindi niya ako binalitaan na pupunta siya rito. Akala ko ay naroon pa siya sa Daddy niya dahil hindi naman siyanag-seen sa mga chat ko sa kanya tungkol sa update ko kung nasaan ako, o kahit tungkol man kay Hope. Ano kayang nangyari sa paghaharap nila ni VP? Nakuha kaya nito ang mga hinahanap na sagot para sa mga katanungan? I was confused if I was still going to wake her up or just let her take her nap. Nag-iisip pa lang ako nang bigla siyang magmulat ng mga mata, at sa pagmulat niya ay tuluyan siyang gumising at bumangon.

