Chapter 46 Inah HUMUGOT ako ng malalim na hininga at naglakad na nakataas ang noo ko sa kanya. Hindi niya ako kaya ngayon. Matatag ako kumpara sa dati. Ngayon ay nararanasan ko ng masampal, kaya pakiramdam ko ay lalo akong nagiging malakas na nilalang para lagpasan ang lahat ng mga umaapi sa akin. Nawawala ang kahinaan ko. I am not the same old Georgina. Upgraded version na siguro ako, at masasabi kong parang pinatatatag ako ng panahon. Nilagpasan ko si Valence at naagaw ko pa nga ang atensyon niya, kaya lang ay napa-second look siya nang nakita ako. "Mang-aagaw!" She exclaimed and immediately left what she was doing. Napakunot noo ako sa isinigaw niya sa akin. Anong mang-aagaw? Ano namang inagaw ko sa kanya? Kanya-kanya naman ang boyfriend niyang isa't kalahating tanga. Magsama sila

