Chapter 48 Inah TAWA NANG TAWA si Kuya Warren dahil hawak-hawak ko ang tyan ko sa kabusugan, nang makarating kami sa Virago. Who would not feel full after taking those watermelon shakes? Kinakabahan ako sa mga pasaring ni Uncle sa akin kaya ganito ang kinalabasan ko ngayon, para akong binuntis ng pakwan. Palagay ko ay uminom siya ng alak kaya ganun ang mga datingan niya, datingang matandang tigang dahil balo. Malalaman ko ito kung totoo ang kutob ko, na pang-malakasan lang ang banat at the moves niya ay kapag lasing siya. I nervously looked back and found his car behind us. Ang pagkakaiba lang ay tumigil na ang sasakyan ko sa harap ng main entrance habang siya ay diretso papunta sa parking lot, kasama ang iba pang sasakyan ng kanyang bodyguards. Saglit ko pang tiningnan ang kanyang sasa

