KINABUKASAN nang magising si Jack ay naibsan ang kanyang pighati. Nagpasya siya na bumalik na muna sa Golereo upang hindi gaanong maisip si Alona. Dinala niya ang libro at panulat na naisalba ni Emo. Pero hindi pa rin siya makapagsulat dahil sa pagluluksa. Tulala siyang nakatingin sa mga elgreto na nagsasanay sa bulwagan. Naroon siya sa balkonahe sa ikalawang palapag. Ramdam niya ang prensensiyang lumapit sa gawing kaliwa niya. “Nakikiramay ako, Jack,” ani ni Souljen. Sinipat lang niya ito. May benda pa ito sa kanang braso. Saka lamang niya naisip bakit naroon ito sa Buhay na Kapatagan noong sumugod ang mga hadeos. “Ano’ng ginawa mo noon sa Buhay na Kapatagan?” usisa niya. “Narinig ko sa mga hadeos na aatake sila sa Lutareo at Golereo upang hanapin ang libro na sinusulatan mo ng propi

