Chapter Two

2159 Words
TULAD nga nang sinabi ng boss ni Gabriela ay ginawa muna niya ang nakaugalian niyang gawin noong hindi pa siya nagtatrabaho sa Fire Steel Intelligence Agency. Wala siya ginawa mula umaga hanggang hapon kundi magwaldas ng pera. Shopping dito, shopping doon. Binili niya ang pinakamahal na cellphone at hindi pa siya nakuntento ay bumilinsiya ng Lamborghini. Sa totoo lang na-miss din niya ang ganitong buhay pero ang maging anak ni Lion Grecio ay hindi niya hinahangad pa. Pero alam naman ni Gabriela na kahit ilang beses niyang balibaliktarin ang mundo ay mananatili pa rin niyang ama ang kinasusuklamang lalaki. Pagkatapos niyang mamili ay dumiretso siya sa disco-bar na lagi niyang pinupuntahan. Napatingin siya sa maingay na paligid ng bar kung saan siya madalas magliwaliw noon. Ngayon lang ulit siya nakapasok sa lugar na iyon, na-miss din niya ang pinaghalong amoy ng usok na nanggagaling sa sigarilyo at amoy ng iba't ibang klase ng alak. "Gabriela!" Napatingin siya sa lalaking bagong dating at inakbayan siya nito. Ang naging bestfriend niya sa trabaho, si Alas. Nasa Criminal Investigation Division ang posisyon nito. "Akala ko nagbibiro ka lang talaga nang sabihin mo sa akin na pinagpahinga ka muna ni Boss sa trabaho," malakas nitong bulong. Kibit ang balikat na nagsalin siya ng alak sa baso. "Hindi ko rin maiintindihan si boss pero ikokonsidera ko na ring bakasyon ito sa tatlong taong wala akong ibang ginawa kundi ang magtrabaho." Tinapik-tapik siya nito sa balikat, pagkatapos ay naupo ito sa katabing stool na inuupuan niya. "Balita ko, sa'yo raw ibinigay ang misyon tungkol kay Jayden Grey Herrer?" Tumango siya bilang sagot. "Kaya mo bang malaman ang ibang inpormasyon tungkol sa kaniya?" tanong niya rito. Hindi lang talaga maalis sa isip niya si Jayden. Tipid itong natawa. "Alam mong ipinagbabawal sa trabaho iyan." Nagtatakang tinitigan siya nito. "Bakit interisado ka?" Nagkibit siya ng balikat. "I don't know, pero parang mayroon hindi sinasabi sa akin si boss tungkol kay Jayden." "You don't trust our boss?" "Hindi sa ganu'n." Malalim siyang nagbuntong-hininga. Hindi niya magawang maipaliwanag kung ano man ang gusto niyang sabihin. Nakita niya sa mga mata ni Jayden ang takot ng makita siya nito sa loob ng opisina ni Sireno. Tila hindi ito sanay na may hindi kilalang tao sa paligid at nakita rin niya sa mga mata nito na hindi ito nagtitiwala kay Sireno at lalong-lalo sa kaniya. Matapang ito sa panlabas pero sa loob nito mayroon itong tinatagong takot. "Never mind," sabi na lang niya. "Tinanggap ba ni Jayden ang trabahong iniaalok ni boss sa kaniya?" "Hindi." "So, may bago kayong strategy na gagawin?" Umiling siya. "Magpahinga lang daw muna ako sa trabaho at magtiwala lang sa kaniya." Naiiling na nagsalin ng alak sa baso si Alas. "Kung minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga boss natin. Alam mo tama ka eh, kung minsan parang mayroon inililihim ang FSIA sa atin." Kunot ang noong nilingon niya ito. "Paano mo nasabi?" "Noong hinanap namin ang nakatagong inpormasyon ni Jayden, parang may takot sila na gawin ang misyon, takot na baka may maungkat sa nakaraan." "Sa nakaraan? Tungkol kay Jayden?" Tumungga muna si Alas ng alak bago ito tumango. "Tungkol sa pag-hostage sa kaniya ng Ali Hatwa. Haaay! Huwag na lang natin isipin iyon! Pinasasakit lang natin ang mga ulo natin kakaisip tungkol sa bagay na iyan," anito na muling nagsalin ng alak sa baso. Lalong nangunot ang noo ni Gabriela. Mayroon nga kayang lihim ang tungkol sa nakaraan ni Jayden? Napatingin siya kay Alas nang malakas siya nitong sikuhin. "Don't think about it. Kalimutan mo muna ang trabaho. Nandito ka para mag-enjoy, hindi ba?" Tama nga naman ito. Tipid niya itong nginitian. "Yeah, let's have fun tonight." GUSTONG batukan ni Jayden ang sarili kung bakit siya nagpunta sa lugar na iyon. Sinabi niya kay Sireno na hindi siya interisado sa trabahong inaalok nito, pero heto siya't sinusubaybayan kung saan nagpupunta si Gabriela at kasalukuyan siyang nasa harap ng isang first class disco-bar kung nasaan ang dalaga sa mga oras na iyon. "Akala ko ba hindi ka interisado na maging babysitter ng anak ni Lion Grecio?" natatawang sabi ni Phoenix na nasa passenger seat. Masama niya itong tiningnan mula sa review mirror. "Why are you in my car?" tanong niya rito imbis na sagutin ang tanong nito. "Naboboring na akong kasama mga chikababes ko." "Kaya ngayon ako ang ginugulo mo?" "Dapat nga magpasalamat ka pa na sinamahan kita sa pagsubaybay mo sa spoiled brat na iyan." "I don't need your companion, Phoenix," sarkastikong sabi niya rito na muling itinuon ang mga mata sa labas ng sasakyan. "Kung pumasok kaya tayo sa loob? Hindi ka lang nagbabantay, mag-e-enjoy ka pa," suhestiyon nito. Hindi siya kaagad nakasagot. Kung si Phoenix ay nagawa ng makalimot sa nangyari five years ago, siya hindi. Lahat ng pagpapahirap ng Ali Hatwa ay sa kaniya ibinuhos, kaya nagkaroon siya ng trauma sa maraming tao at maiingay na lugar. Ayaw din niya sa madilim na lugar dahil para siyang sinasakal at hindi makahinga. "Ikaw na lang kung gusto mo," aniya. "Kaya hindi ka pa nagkakaasawa, lumandi ka kaya?" Muli niya itong tinapunan ng masamang tingin mula sa review mirror. "Kung ihagis kaya kita palabas ng sasakyan ko?" Sasagot pa sana ito nang parehong nabaling ang atensyon nila sa labas ng restobar nang magkaroon ng ingay at nagkakagulo. Hindi niya inaasahan na kasali sa gulo si Gabriela. Nakita niya kung paano umikot sa ere ang dalaga bago nito binigyan ng malakas na sipa ang isang lalaki sa dibdib kaya bumaksak ito sa simento. Hindi bumaba ng sa sasakyan si Jayden, pinanood muna niya kung paano ipagtanggol ni Gabriela ang sarili mula sa limang lalaki. "She knows how to fight, huh? Interesting," si Phoenix. Nakita niyang sumugod ang isa pang lalaki at inundayan ito ng suntok si Gabriela, pero mabilis iyong nasalag ng dalaga. Sumugod pa ang pangatlong lalaki, pero tulad sa nauna ay agad nitong nasalag ang tangkang pagsipa sa dalaga at walang kahirap-hirap na napatumba nito ang apat na lalaki. Napatingin siya sa isang lalaki na naglabas ng patalim mula sa bulsa nito. "That's not fair," anas niya na mabilis na bumaba ng sasakyan at malalaki ang hakbang na lumapit siya rito. Isasaksak na sana ng lalaki ang patalim kay Gabriela nang mabilis niyang napigilan ang kamay at baliin ang braso nito kaya naghihiyaw ito ng malakas dahil sa sakit. "s**t! s**t!" NABALING ang atensyon ni Gabriela sa kaniyang likuran nang sumigaw ang isa sa limang lalaki. Medyo tipsy na siya pero namumukhaan niya ang lalaking bumali sa kamay ng isang lalaking kasama sa nagsimula ng gulo. "Mr. Herrer?" hindi makapaniwalang anas niya sa pangalan ng lalaki. Naging mabilis ang mga nangyari. Hindi niya inaasahan na nasa harapan na niya agad ang binata at malakas nitong sinipa sa dibdib ang isang lalaki. "What are you doing here?" tanong niya rito. Hindi ito sumagot at walang kahirap-hirap na tinapos at pinatumba ang limang lalaki. Namangha siya sa paraan ng pakikipaglaban ng binata. Alam niyang simple lang ang ginawa niti at sisiw lang ito para rito, pero napakaswabe ng bawat galaw nito. "Why are you here?" muling tanong niya. Walang emosyong nilingon siya nito. "Party is over for you, Ms. Grecio," anito na hinawakan siya sa braso at hinila palayo sa lugar na iyon. "Teka!" Halos kaladkarin siya nito papunta sa isang itim na sasakyan. Binuksan nito ang pinto sa may shotgun seat. "Get in," mariin nitong utos. "T-teka—" "Kung may katanungan ka, save that later. Now, get in the f*cking car," mariin nitong utos. Buntong-hiningang sumakay na lang siya at naguguluhang tumitig sa rito. Ito ba ang sinasabi ni Sireno na walang trabahong tinatanggihan si Jayden? Pero ang malaking katanungan sa isipan niya ay sino ang limang lalaking nanggulo sa kanila kanina? Palabas ba iyong lahat ni Sireno? Ito ba ang sinasabi nitong magtiwala lang siya rito? Kung nagawa ni Sireno na mapapayag si Jayden, kilalang-kilala nga nito ang lalaki. Ilang minuto pa silang nasa daan bago pumasok ang sasakyan sa isang pribadong subdivision at huminto sa isang malaking bahay. Bumaba si Jayden at umikot sa gawi niya para pagbuksan siya ng pinto. "Baba." "Where are we?" tanong niya nang makababa sa sasakyan. Hindi ito sumagot at naglakad palapit sa tarangkahan. Nang tumapat si Jayden sa tarangkahan ay kusa iyong bumukas. "Get in," anito sa kaniya na pinapauna siyang pumasok. "Tell me, where we are first?" "This is my house. Now, get in." Gusto niyang mainis sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kaniya. Kung hindi lang dahil sa misyon niya ay hindi siya magiging sunod-sunuran dito. Buntong-hiningang humakbang siya papasok sa loob ng bahay ni Jayden. Nang tumapat ulit ang binata sa pinto ay kusa ulit iyong bumukas. Humakbang ito papasok kaya sumunod na rin siya rito. "Rowan, turn on the lights," narinig niyang utos nito at sa isang iglap ay bumukas lahat ng ilaw kahit sa second floor ng bahay. Namamanghang inilibot niya ng tingin ang buong bahay nito. Hindi iyon kalakihan pero hindi rin maliit. Simple lang ang bawat disenyo ng mga kagamitan at istraktura ng bahay, pero masasabi niyang hightech dahil mayroon iyong command system. Wala siyang ibang makitang kulay kundi itim at puti. Konti lang din ang mga kagamitan na tanging mga ginagamit lang sa pang-araw-araw. May iba kaya itong kasama rito? Tanong niya sa sarili. Nabaling ang tingin niya kay Jayden nang marinig niya itong nagsalita. May kausap ito sa cellphone. "I'm with her. I'm on time and she's safe." Nangunot noo niya. Si Sireno kaya ang kausap nito? Saglit na tumingin sa kaniya si Jayden at muling kinausap ang boss niya mula sa kabilang linya at pagkatapos ay iniabot nito ang cellphone sa kanya. "Gusto ka makausap ni Sireno," anito. Kinuha niya ang cellphone. "N-ninong..." "Are you okay?" "Yeah, I'm fine." "That's good to hear. For now, mabuti pang dyan ka muna sa bahay ni Jayden para masiguro ang kaligtasan mo." "What?! Pero—" "Gabriela, listen to me. This is for your own good," mariin nitong sabi. Naguguluhan siya kung bakit ganito ito makipag-usap sa kaniya, pero nasisiguro niyang may ibig-sabihin ang mga sinabi nito sa kaniya. "O-okay, Ninong." "Good. Tatawag ulit ako sa'yo bukas," iyon lang at naputol na ang linya at agad na ibinalik ang cellphone kay Jayden. "A-akala ko ba hindi ka interisado sa trabahong inaalok sa'yo ni Ninong na maging personal bodyguard ko? Bakit biglang magbago ang isip mo?" maya'y tanong niya rito. Nagbuntong-hininga ito. "Pwede mong gamitin iyung kwarto sa taas, sa bandang kanan. Papahiramin muna kita ng damit na masusuot mo ngayong gabi at bukas na lang natin kunin ang iba mong mga gamit," sabi nito imbis na sagutin ang tanong niya. Tinalikuran na siya nito, pero agad niya itong pinigilan sa braso. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Nilingon siya ito at walang emosyon ang mga mata nitong tumingin sa kaniya. "It does matter to you? Hindi pa ba sapat na tinanggap ko ang trabaho?" sarkastiko nitong tanong at tinanggal ang kamay niya sa brasi nito. "Kung ganu'n bakit dito sa bahay mo?" "Kung sa bahay mo, siguradong alam na nila ang pasikot-sikot doon at madali silang makakapasok. For now, you are more safe here in my house." Nangunot ang noo niya. "For now?" "We can talk about that, tomorrow. Ihahatid na kita sa kwarto mo." Nauna na itong maglakad paakyat sa hagdanan kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Hindi mapigilan ni Gabriela na igala ang mga mata sa paligid. Kahit lalaki ito ay malinis ito sa bahay. Isa sa mga napansin niya ay bukas lahat ng ilaw. Huminto ito sa pinakadulong kwarto. Napakunot noo siya dahil napansin din niya na walang pinto ang dalawang kwarto. "Itong kwarto muna ang gamitin mo pansamantala. Meron bagong mga damit dyan sa kabinet, mamili ka na lang," anito. "Walang pinto?" curious niyang tanong. Walang emosyong tiningnan siya nito. "Do I need to explain it to you?" Nagbuntong-hininga siya. Kung pwede lang sana niya itong patulan, papatulan niya talaga ito, kaso hindi pwede. Kaylangan niya itong tiisin hanggang sa makuha niya ang inpormasyon na kailangan niya. "Magpahinga ka na, and don't try to scape," sabi nito bago siya iwan mag-isa. Buntong-hiningang humakbang siya papasok sa kwarto. Naupo sa gilid ng kama at pabagsak na inihiga ang katawan sa malambot na kutson. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. Nang buksan niya iyon ay agad niyang nabasa ang mensahe sa kaniya ng boss niyang si Sireno. From: Boss Do your job and be careful. Make sure don't leave any evidence. Alam niya ang ibig-sabihin ng sinabi nito kaya binura niya ang message nito at pinalitan ang pangalan nito sa phone register niya na 'Ninong' para mas sigurado. Ngayong nakapasok na siya sa mundo ni Jayden Grey Herrer, kailangan na niyang mag-ingat sa bawat galaw at salitang lalabas sa bibig niya dahil konting pagkakamali lang ay siguradong bulilyaso agad ang misyon niya. Nasa ganu'ng ayos siya na hindi namamalayang nakatulog na pala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD