“Alexandra? Why are you here?” gulat na tanong ni Nathaniel nang makita si Alex sa hotel and resirt kung saan siya tutuloy. “Bakit? Bawal ba? Wala naman akong nakitang nakapaskil na bawal akong pumunta rito,” sarkastikong tugon naman nito. “Just asking. Hindi ko lang ini-expect na makikita kita rito,” kaswal na tugon ni Nathan. “Well, may event akong dadaluhan rito sa Cebu kaya ako narito. Kumusta ka na pala?” tugon at tanong ni Alex. Pero ang totoo niyan ay kaya siya narito sa Cebu upang sundan si Nathan. Noong nalaman niyang pupunta ito ng Cebu ay agad siyang bumili ng ticket para makita ito. Hindi lang kasi niya matanggap na hindi niya ito nakuha. Kay tagal na panahon niyang hinintay ang pagkakataon na ito. Hindi niya matanggap na natalo siya sa pustahan nila ng mga kaibigan niya. At