Katatapos lang ng business meeting ni Nathaniel at masayang-masaya siya dahil napapayag niya ang may-ari ng lupang plano nilang bilhin para sa ipapatayong building. At dahil tapos na siya ay agad na siyang bumili ng plane ticket sa online upang makauwi na siya ng Manila. Pagkatapos niyon ay inayos na niya ang mga gamit sa hotel. Gusto na niyang umuwi dahil nami-miss na niya ang asawa’t mga anak. Pero habang nagliligpit siya ay may kumatok. Napakunot noo siya dahil wala naman siyang inaasahan na bisita. Gayunpaman, binuksan pa rin niya ito at nagulat ng makilala kung sino ang kumakatok. “Alexandra?” tanong niya. “Nathan, I’m not feeling well. Puwede bang sama-“ hindi na nito natapos ang sasabihin dahil bigla na lang ito natumba at maagap naman na nasalo ito ni Nathan. Kahit kasi iniiwasa