Umuulan ng gabing iyon, kahit walang aircon ang suite ni Nathaniel ay lubhang malamig ang klima.
Makapal ang kumot na gamit nila, ngunit tila hindi sapat iyon para maibsan ang ginaw na kanilang nararamdaman.
"Babe. . ." inaantok na anas ni Nathaniel na bahagyang humigpit ang yakap sa kanya.
"Hmm. . ." inaantok na tugon ng dalaga dahil bahagya na siyang naidlip.
"Babe, ang ginaw! Yakap mo naman ako!"
Natatawang humarap siya rito at iniyakap ang mga braso sa leeg nito.
"Ganito?" nakangiti niyang tanong.
"Yeah, pero higpitan mo pa, Babe. Sobrang ginaw, hindi ba?"
"Oo naman. Umuulan kasi."
Hinigpitan pa nga niya ang yakap kay Nathaniel, nagsiksik sila sa katawan ng isa't isa habang nakapikit.
Mayamaya ay halos sabay pa silang dumilat at nagtama ang mga mata nila.
"I love you. . ." anas ni Nathaniel.
"I love you too. . ." tugon ng dalaga habang nakatitig sa mata ng binata, may nababanaag siyang kakaibang kislap doon.
"And I need you so badly," paos nitong wika.
"N—Nathaniel."
"Pero huwag kang mag-alala, hanggang kaya ko, kakayanin ko." Saka kinbig siya palapit sa dibdib nito.
Napapikit na lang si Krystelle, nauunawaan niya ang nararamdaman ng binata, dahil nararamdaman din niya iyon.
"Nathaniel..."
"Hmm?"
"Kiss me. . ."
"Ha?" napadilat ang binata at napatitig sa kanya.
"Just kiss me. . ."
"Babe. . .just kiss me, ha? And m—make me your."
"Khrystelle. . ." napahingal si Nathaniel, tila naunawaan ang ibig niyang sabihin, pagkuwa'y naglapat ang mga labi nila. "I love you at gusto kong tuparin ang pangako ko sa iyo na-“
"And I love you too. . .ang I believe in you. Afterall, were getting married," anas niya.
"Khrystelle. . ."
Pero kinabig na niya ang batok ng binata at sinalubong ng halik ang mga labi nito.
Tuluyang naglapat ang mga labi nila.
Then next she knew, they were both naked and eager to please each other.
"Babe, are you sure?" humihingal na tanong ni Nathaniel habang inaayos ang puwesto sa kama.
Ngumiti si Khrystelle. "Yes, Babe."
Nathaniel started to plant kisses on her forehead down to her nose and her cheeks.
Bumaba ang mga labi ng binata sa kanyang leeg.
Napasabunot siya sa buhok nito sa naramdamang sensasyon. Napaliyad siya nang kubkubin ng isang kamay ng binata ang kanyang dibdib, lightly squeezing it's peak, habang ang kabila naman ay pinagpapala ng mga labi nito.
Napaungol siya sa ginawa ni Nathaniel. Para siyang mawawala sa katiuan sa init na hatid ng bibig ng binata na sumisimsim sa kanyang dibdib. Humigpit ang daliri niya sa buhok ng binata nang bahagya nitong kagat-kagatin ang tuktok niyon.
"Oh, Nathaniel. . ." napaliyad na ungol ni Khrystelle. Ipinikit niya ang mga mata at kinagat ang ibabang labi. God knows she wanted more. The sensation was overwhelming. It brought her to a wonderful place she didn't know existed.
"You're so sexy, Babe. . ." Hinuli ni Nathaniel ang kanyang kamay at hinagkan iyon.
Muling naglakbay ang mga labi ng binata sa kanyang katawan.
"You're mine, Babe. Say you're mine," utos nito at itinigil ang ginagawa na agad tinutulan ng kanyang katawan.
"I'm yours, Babe. Only yours!" tugon ni Khrystelle. She didn't want him to stop what he doing.
Ngumiti ang binata. "Say please."
"Please, Nathan. . ." paungol na sabi niya.
"I love you, Khrystelle," anang binata bago siya tuluyang inangkin.
Naramdaman niya ang paguhit ng sakit sa kanyang kaibuturan. Napangiwi siya.
"Khrystelle, Babe, look at me." Agad siyang nagmulat ng mga mata. "It"ll be better, Babe. Trust me.”
Nabasa ni Khrystelle ang katapatan sa mga sinabi ni Nathaniel. Tumgango siya at ngumiti sa binata, urging him to go on.
Pinaliguan ng binata ng halik ang kanyang mukha bago muling gumalaw nang marahan.
Tama ang sinabi nito, nawala ang sakit mayamaya. Napalitang iyon ng kiliti at mas dumulot pa ng kakaibang sensasyong nararamdaman niya. And before she knew it, her body was asking for more.
Kusa na niyang sinasalubong ang bawat pag-ulos ng binata, hinahabol kapag lumalayo iyon upang muli lamang salubungin sa kalagitnaan.
"Oh, Khrystelle!" paungol na sambit ni Nathaniel nang pareho nilang maabot ang sukdulan.
"I love you," humihingal na wika nito habang sa ibabaw pa rin niya.
"I love you too, Nathan," tugon niya sa binata.
"Regrets?" masuyong anas ni Nathaniel habang nakayakap sa kanya.
Tapos na ang kapusukan at ang naiwan na lang ay ang nakakalunod na kaligayahang nadarama ng kanilang mga puso dahil sa isang matagumpay na pagsasanib ng katawan.
"No, I don’t have any regrets. It makes me feel wonderful, Nathaniel. And I'm glad it was you."
Napangiti ang binata, saka muling kinintalan ng halik ang mga labi niya.
"Yes, I'm glad it was me. I met you at the right time. Buti na lang sira ang ulo ng tangang si Warren, hindi na niya alam kung ano ang kanyang sinayang. Isang malinis at busilak na babae ang kanyang pinalampas. And I'll swear, hinding-hindi ka na niya mababawi sa akin. Pakakasal agad tayo pagkababa natin sa Manila, ha? Gusto kung panagutan ang nangyari sa atin. Ayokong maramdaman mo ang pangamba na baka ngayong nakuha ko na ang kalinisan mo ay lokohin na lang kita."
"No, hindi ko iyon mararamdaman, Nathaniel. Dahil alam ko, iba ka kay Warren.”
"Thank you."
Muli ay nagsalo sila sa isang matamis na pag-ibig dala ang pangako ng pag-ibig na nadarama nila para sa isat-isa.
Kinabukasan, nagising si Khrystelle na wala na si Nathaniel. “Ha? Saan naman siya pumunta?” Babangon na sana siya ng tumunog ang kanyang cell phone. Pagtingin niya ay hindi naka-register na number ang tumatawag. Napakunot noo siya dahil wala siyang idea kung sino iyon. Hindi na sana niya sasagutin pero naalala niya na baka si Nathaniel ang tumatawag.
“Hello?”
"Yeah, Babe, it’s me Nathaniel. Just wait for me there, ha? Pumunta lang ako sandali sa tinutuluyang hotel ng investor naming Japanese. May kaunti lang kasing problema sa mga papeles na pinirmahan namin. But it won't take to long. Babalik agad ako. Hindi kita ginising dahil alam kong napagod ka,” wika nito mula sa kabilang linya.
“Akala ko iniwan mo na ako. Sige, mag-iingat ka,” ani Khrystelle.
“Bakit naman kita iiwan? Hindi ko magagawa iyon sa iyo…” sabi naman nito.
“Okay, hihintayin kita.”
Okay, bye, I love you."
"I love you too!" nakangiting wika ni Khrystelle nang i-off ang kanyang cellphone, baon sa isip at puso ang pag-asam na mayamaya lang ay babalik na ang lalaking nagpapadama sa kanya ngayon ng walang hanggang kaligayahan.
Muli siyang pumikit para matulog, siguradong paggising niya mayamaya ay narito na si Nathaniel, at sabay silang magla-lunch. . .pagkuwa'y muli nilang ipadarama ang masidhing pag-ibig sa isa't isa.
Mahimbing ang naging pagtulog ni Khrystelle, kung gaano katagal, hindi niya alam.
"Hmm. . . Nathan. . .Babe, nariyan ka na ba?" tila tinatamad pang bumangon ang dalaga at inilingap sa paligid ang ang paningin.
Pero walang sumagot sa kanga, hinagilap niya ang kanyang cellphone at tiningnan kung anong oras na.
My God! Ala-una na pala ng tanghali. Pero bakit kaya wala pa si Nathaniel? Baka nagkaproblema sila nang kausap niyang Japanese national. Hindi bale, baka mayamaya lang ay darating na siya.
Nagtungo na lang sa banyo ang dalaga para mag-shower at nang matapos ay nagbihis na at nilibang ang sarili sa panonood ng movie para hindi mainip sa paghihintay kay Nathaniel.
Alas-kuwatro na, bakit wala pa siya?
Nagsimula nang kabahan si Khrystelle, lalo pa at hindi niya makontak ang cell phone ni Nathaniel. Pero ayaw niyang panghinaan ng loob at patuloy siyang naghintay.
Lumipas ang maraming sandali. . .mga oras. . .hanggang dumilim na sa labas.
Wala pa rin ang binata.
Nathaniel. . . anong nangyari? Bakit?
Para na siyang mamamatay sa pag-aalala.
Hanggang sumapit ang hatinggabi, hanggang mag-umaga na uli.
Ano’ng gagawin ko? Saan ko siya hahanapin? O, dapat ko nga ba siyang hanapin?
“Ma'am, bayad po hanggang bukas ang suite ni Mr. Fernandez. You can stay there until tomorrow at one o'clock.”
"Ganoon ba? Salamat. Pero wala ba siyang ibinilin kahapon bago siya umalis? I mean, hindi ba niya sinabi kung saan siya pupunta?"
"Ma'am, wala po, Bakit po? Hindi nyo po ba siya makontak?"
"Ah. . ." umawang ang kanyang bibig, nais sanang i-share sa receptionist ng hotel ang nadaramang pag-aalala, pero naunahan siya ng hiya.
"Ah, sige, okay lang. Hihintayin ko nalang siya,” tanging nasabi niya.
Pagkuwa'y agad na tumalikod ang dalaga. Baka may nangyaring masama sa kanya.
Nagpasya ang dalaga na pumunta sa pinakamalapit na presinto para magtanong.
"Ma'am, wala naman pong report ng anumang vehicular accident. Kapag may dinadalang pasyente sa mga hospital ay itinatawag din dito sa presinto. But so far, wala namang anumang report na nakalagay dito sa blotter mula kahapon. Baka may pinunhatan lang ang kasama ninyo."
"Ah, o—okay, thank you ho."
Mabigat ang kaloobang nilisang ni Khrystelle ang presinto ng Baguio.
Nathaniel, why you're doing this to me? Okay, fine! Kung puro bola lang ang sinabi mo sa akin, kung nagda-drama ka lang para kumagat ako sa iyo at kusang bumigay, at ngayong nakuha mo na ang gusto mo. . .why no be decent enough to tell me that? Na hindi mo naman ako talaga gustong pakasalan at…
Kusa niyang sinaway ang sarili sa pag-iisip ng kung anu-ano laban sa binata.
No! He can't do that to me! He loves me. Sinabi niya iyon sa akin kanina. . .and I have to believe in him. At least, I have to still believe in him.
Pero habang naglalakad si Khrystelle, gusto na niyang umiyak. Gayunpaman, hindi naman siya nagsisisi sa mga nangyari. Kahit pa binigay niya sa taong kakikilala lang ang p********e niya ay wala naman siyang pinagsisihan dahil ginusto rin naman niya kahit pa sabihan siyang kaladkarin ay ayos lang. Wala e, talagang ngayon lang niya ito naramdaman. Sa tagal nila ni Warren ay hindi niya naramdaman ang mga naramdaman niya ngayon kay Nathaniel.
Bahala na! Anuman ang kahihinatnat nito ay maluwag sa puso kong tatanggapin.
Pagkatapos niyon ay napadesisyonan niyang bumalik na ng Manila. Kailangan na niya makauwi dahil baka nag-aaalala na sa kanya ang mama niya. At kailangan na rin niyang makabalik dahil sa ang kaibigan lang niya ang nag-aasikaso ng kanilang boutique.