Matapos makipagkamay, tahimik na umupo na lang si Khrystelle sa kanyang upuuan. She remember the days when she was in her high school life. During that time, she has a crush and that it was Mickey Alfonso. Nasa second year siya at si Mickey naman ay third year high school. Sino ba naman ang hindi magka-crush e ang guwapo nito, malinis sa katawan at ang tangkad. Plus points pa iyong pagiging magaling nito sa larong basketball. Madalas itong MVP kapag may mga event sila sa school. At marami ang nagkakandarapang babae rito, isa na siya roon. Natatawa na lang siya kapag naaalala niya ang mga ginagawa niya noon. Ang dami niyang kagagahan noon para lang mapansin siya nito ngunit sadyang marami lang ang mga babaeng nagpapapansin rito kaya rin siguro hindi siya nito mapansin-pansin. Naalala pa niy