Kinabukasan, nagising si Khrystelle ng mag-ring ang alarm clock. Tulog na tulog pa ang asawa niya kaya bumangon na siya saka naligo at pumunta na sa baba. “Good morning, Ma’am,” bati sa kanya ni yaya Magda ng madatnan niya ito sa kitchen. “Magandang umaga rin yaya…” tugon niya. “Ano ho ang ipapaluto ninyo?” “Ako na ang magluluto yaya. May na-miss lang akong pagkain.” “Sige ho tutulungan na lang kitang maghanda ng mga iluluto mo,” ani Yaya Magda. Nginitian ito ni Khrystelle saka nag-umpisa ng siyang maghanda ng mga iluluto niya para sa asawa at sa anak niyang si James. Nagluto siya ng fried rice with egg, corn, carrots and siomai. Sakto kasi iyon sa ginawa niyang kimchi. Na-miss niya ang gano’ng pagkain kasi mahilig din siya sa korean food, kahit si Nathan ay gano’n rin. Nagprito