“Good moring po. Kumusta po, Ma? Tumawag na po ba si Khrystelle?” tanong ni Nathan sa biyenan nang makita niya ito sa dining. “She’s not ready to talk to you, Nathan. Kaya mas makabubuti kung unawain na muna natin siya ngayon. Alam kong gusto ka rin naman niya makausap pero siguro hindi ka lang niya kayang harapin sa ngayon,” paliwanag naman ni Alice sa manugang. Hindi na sumagot pa si Nathan. Nagpatimpla na lang siya ng kape at nagpaalam sa biyenan saka agad ng bumalik sa kanyang kuwarto. Ang aga tuloy niyang nalungkot. Akala pa naman niya ay mapupuntahan na niya ang asawa ngayon. Pero hindi! Hindi siya makakapayag na hindi niya makakausap ang asawa. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Kailangan niyang humingi ng tulong sa mga kapatid upang malaman kung saan at tamang lokasyon ng asawa