Three days later, nakabalik na ang mag-anak sa Manila. Abala na ulit sina Khrystelle at Nathan sa kani-kanilang trabaho. “Kumusta naman ang bakasyon ng kaibigan ko?” tanong ni Ella sa kanya. Kararating lang nila pareho sa boutique ng mga oras na iyon. “It was fine. Ang saya at ang init ng naging bakasyon namin…” aniya na tila nagbaliktanaw pa sa ginawa nila ni Nathan. “Aba teka nga lang. Anong mainit na sinasabi mo, ha?” interesadong tanong ni Ella. Iyon kasi talaga ang kaagad na tumatak sa utak niya. “Alam mo na ‘yon syempre…” napapangiti namang tugon ni Khystelle. “Ah gano’n? Talaga may pa second honeymoon? So kailangan ko na mag-expect na may kasunod na agad si Nathalie?” “Well, kung talagang ipakaloob ng Diyos eh buong puso naming tatanggapin iyon. Wala naman kaming ginagamit na