“Babe, gising,” tawag ni Khrystelle sa asawa habang marahan itong yinuyugyog. Nagising kasi siya sa kalabog na narinig. At nang makita na alas onse na ng gabi, kaagad niyang ginising ang asawa. “Hmmm,” ungol lang ang naging tugon nito habang nananatiling nakapikit ang mga mata. “May narinig akong kalabog sa labas…tapos parang may nakita akong anino sa labas ng bintana,” aniya sa mahina at mababang tono. Doon pa lang ito humarap sa kanya at nagmulat ng mata. “Are you sure? Baka naman yung ibang guest lang iyon sa resort,” wika nito. “I don’t know. Basta iba ang pakiramdam ko, eh. Bigla din akong kinabahan,” ani Khrystelle. “Babe, huwag ka na mag-isip pa ng kung ano. Resort ito kaya talaga maraming tao rito. Saka may mga security naman rito at may mga naka-install na CCTV so we’re safe