"WHAT makes your kind change, wifey?" "Ikaw muna, my loves. Gagapangin na sana kita eh..." Kaso sa tinuran ng asawa ay napahagikhik rin siya. Paano naman kasi, para silang mga batang patago kung magkita. At ang masaklap ay kapwa pa nila pinagnanasaan ang isa't isa. "Kung tama ang pagkaunawa ko, wifey, kapwa tayo dinalaw ng init sa katawan sa ating panaginip. Kaya nga ako lumabas kanina dahil kakatukin sana kita kaso nakita kitang papunta rito. Kaya't imbes na hayaan kang maunang kikilos ay hinablot na lang kita. I really miss you, wifey." Masuyo at malambing na saad ni Jervin sa mismong punong-taenga ng asawa. Kapwa sila hubo't hubad sa ilalim ng makapal na kumot. Subalit tumagilid siya upang mapagmasdan ang asawang ilang taong pinanabikan. Kaya't mas nagdikit ang kanilang katawan. "S