"Oist Iyakin, saan ang lakad natin? Aba'h hanep naka-japorms ah." Pamumuna ni Grace kay MJ. "Grace naman, hanggang ngayon ba naman Iyakin pa rin kahit adults na tayo." Napakamot tuloy ang binata dahil sa paraan ng tawag ni Grace. "You will be my Iyakin forever, MJ. Isa pa ano'ng masama roon ikaw nga antukin pa rin tawag mo kay Meljhorie," sagot naman niya. Hindi tuloy mapigilan ni MJ ang sarili na huwag mapahalakhak. "Oo na oo na. Wala talaga akong pamana sa iyo eh. Saan tayo ngayon sa bahay o sa inyo?" tanong ng binata. Pero bago makasagot ang dalaga ay nakita nila ang parang takot na takot na babaeng walang dereksyun sa pagtakbo. "Tulong!" "Tulungan po niyo ako!" "Parang awa niyo na po." Humarang pa ito sa kanila para makahingi ng tulong. Agad namang ihininto ni MJ ang sasakyan