"WHAT happened to your face, Daddy? Hmmm... Mayroon ka po bang kaaway?" kaagad na tanong ni Monica sa ama. Nag-sleep over siya sa mga ninuno. Subalit dahil mayroon siyang pasok ay umuwi rin siya ng maaga. Kaso mukhang mayroong nangyari overnight. Bukod sa haggard itong tingnan ay may ilang kalmot sa mukha nito. "Lumabas kami ng mga Uncles mo, anak. Alam mo namang nambabae paminsan-minsan ang iyong Daddy. Ayon, nakatagpo ng tigress at pinagkakalmot ako." Palusot ni Carlos Guevara sa nag-iisang anak. Saka totoo namang kinalmot siya ng babaeng pinagsawaan sa kanilang garden. Mas mahihirapan siyang kumbinsihin ang anak kung paikot-ikutin pa niya ang usapan. Kaya't mas minabuti niyang gumawa o nag-imbento ng kuwento. Well, half lies lang din naman. "Hmmm... Mag-asawa ka na lang po, Daddy. U