"ANO raw ba ang problema mga anak ninyo, Mirriam at Jervin? Aba'y noong isang araw ay kinuwelyo at binalya raw ng babaeng iyon ang Kuya Vin niya. At ngayon naman ay ang mag-asawa ang nagpapalakasan ng boses. Susme! Ano ba ang nangyayari sa earth?!" Dahil na rin sa kabang sumasalakay sa ng pagkatao ni Grandma Janellah ay talaga namang napalakas ang kaniyang boses. "Kaso ako ang natatakot para sa iyo, asawa ko. We are old of age, but we're still alive, and kicking. Maari naman nating itanong mismo sa mga apo natin kung ano ang nangyayari sa kanila," kaagad na sabad ni Grandpa Jameston. Kaya naman ay dali-dali na ring pumagitna ang dating military general. "Tama naman po si Daddy, Mommy. Ganito na lamang po. Kalmahin mo na po ang iyong damdamin at kaming mag-asawa po ang kakausap sa kan