"PASENSIYA na po kayo, Mama, Papa, kung ngayon lang ulit ako nakadalaw dito sa lugar natin. May ginawa po kasi ako. Kumusta na po kayo rito? Heto po, may dala-dala po akong bulaklak at prutas para sa inyo," mahinang usal ni Mirriam habang inilapag ang isang basket na prutas at dalawang bungkos ng bulaklak. Ngunit ano nga ba ang aasahan niyang sasagot samantalang mga magulang na nakahimlay sa sementeryo ng mahigit dalawang dekada ang kausap! Subalit damang-dama niya ang pagdampi ng hangin sa kaniyang katawan. "KUMUSTA ka na, Hija? Patawarin mo si Uncle Ben mo kung ngayon lang nakapunta rito," tanong ng isang lalaking nasa mid-forty. "Galit po ako sa iyo, Uncle Ben. Dahil kasama mo angga bad guys na pumatay kina Papa at Mama. Ngunit dahil ikaw ang nagligtas sa akin ay patatawarin po kita