"ALAM at nauunawaan ko ang iyong damdamin sa kasalukuyan, apo ko. Dahil katulad mo rin akong taga-NBI noong kapanahunan ko. Although I wasn't the best officer during that time, at least I did my best to fulfil my duty as a Filipino citizen." Tinig ng abuela nilang nagmistulang bagets dahil nakapamulsa ito habang papalapit sa kanilang mga amazona! And yes! Mga amasona dahil hindi na iyon nawala sa kanilang sistema. "Grandma? Ah, si tambol siguro ang kasama mo ano?" Tuloy ay iyon ang namutawi sa labi mi Genewayne. Kaso natahimik naman ng lumakad palapit sa kanila ang guwapong-guwapo pa rin nilang abuelo. "Ako ang kasama ng Grandma ninyo mga apo. Alam n'yo namang kapag ganitong oras ay wala rito si Pierce Marcus dahil mayroon itong training," pahayag nito habang papalapit sa kanila.