Few months later... "GRANDMA! Grandpa! Where are you?" Nasa main gate pa lamang ang biyente anyos n si Jervin Daniel II ay dinig na dinig na nila ang matinis nitong boses. Kaya naman ay hindi rin nagsayang ng oras ang mag-asawang Jameston at Janellah Pearl. Nasa garden naman din sila kaya't sasalubungin sana nila ito kaso hinarang naman ng panganay na anak anak nina Jerwayne at Genevieve. "Para kang serena ng mga police patrols, Kuya Vin. Bakit ba araw-araw kang animo'y may regla? Huwag mong sabihing ikaw na ang may dalaw hindi ako?" anito. "Tumabi ka, Genewayne. Wala akong oras na makipaglokohan sa iyo ngayon," malamig ding tugon ng binata. Kaso ang kapatid naman niyang babae na wari'y naalimpungatan ang sumabad! Mahilig pa naman itong matulog sa hapon. "Quiet! Kayong dalawa ATE at