RED POV. Nandito ako sa Condo ko,Dito ako mag papalipas ng Gabi hindi kasi ako makauwi ng bahay dahil sa sobrang lakas ng ulan, Mukhang masama din ang panahon or let me say na may bagyo. Mas malapit din kasi itong Condo ko Sa Company kesa sa bahay atsaka pag sa bahay ako umuwi baka abutin na ako ng hating gabi,sarado kasi yung ibang daanan gawa ng mga nag tumbahang puno sa kalsada. Kasulukuyang nag papahinga ako dito sa kwarto ko,nakaka pagod din kasing mag trabaho. Nag babasa ako ng mga papeles ng kumpanya habang nakahiga,may nahulog na papel sa sahig kaya kinuha ko and may nakita akong Heart Shape na malaking Box. Na curious ako kung ano yun kaya kinuha ko at inilagay ko sa kama ko hindi ko alam parang na excite akong tignan ang laman ng box. Wala akong natatandaan na may nilagay a