RED POV.
Nag Grocery ako kasi wala ng stock na food dun sa Condo ko. Habang nag lalakad ako dala-dala yung pinamili ko may bumanga sa akin kaya nahulog yung dala-dala ko.
"Sorry." pag a apologize nya tapos tinulungan nya kong pulutin yung gamit ko na nahulog.
"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan." sabi ko sa kanya.
Tapos napatingin sya sa akin. Nagulat ako ng makita ko kung sino itong taong bumangga sa akin. Walang iba kundi yung babaeng nakita ko dun sa soccer field. Maganda pala sya lalo na pag malapitan.Inabot nya sa akin yung gamit ko ng padabog.
"Sorry nga diba ,Hindi ka ba nakakaintindi ng sorry." Masungit nyang sabi sa akin tapos iniwan nya na ako.
Hindi ko iniexpect na makikita ko ulit sya. Trinay ko syang hanapin dun sa university para isuli yung nahulog nyang panyo pero hindi ko sya makita tapos dito ko lang pala sya sa mall makikita.
Anu ba yan nagugutom ako. Dumaan ako sa Mcdo .. Umorder ako ng pag kain ko anu ba yan walang vacant na table.
"Sir dun ka na lang po makiupo dun sa nag so-solo na babae . yun na lang po kasi yung may vacant na upuan." sabi sa akin nung Crew. Dahil no choice ako at tinatamad akong I take-out yung food pumunta ako dun sa tinuro nung crew at nakita ko yung girl na bumangga sa akin.
"Miss pwede maki share ng table wala na kasi vacant table." sabi ko.
"Sure." sabi nya ng hindi manlang tumitingin akin dahil busy sya sa pagkain.
Inilapag ko na sa lamesa yung pagkain ko tapos umupo na ako sa upuan tapos napatingin ako dito sa babae . Grabe parang hindi naman sya gutom sa lagay nya. akalain nyo yun dalawang large fries ang inorder nya tapos yung fries sinasawsaw nya sa Sundae. Ang Cute nya kumain ang hinhin. Hala anu ba itong pinag sasabi ko. Napansin nya atang nakatingin ako sa kanya kaya napatingin sya sa alin tapoas mukha syang nagulat.
"Ikaw .. Anung gingawa mo dito ?" mataray nyang tanong.
"Nakiki share ng table and beside no Choice ako kundi dito ako makikiupo kasi nga walang vacant table at yun yung sabi nung Crew and Pumayag ka naman diba ." sabi ko sa kanya.
"You know what you look familiar." sabi ko sa kanya.
"Ako Familiar sayo .. Ngaun nga lang kita nakita eh."sabi nya sa akin.
"Hoy Jared i mean Red kanina pakita hinahanap nandito ka lang pala." sabi ni Vince sa akin. Ay oo nga pala sabi ko mag kita kami dito sa mall tapos sabay na kami pumunta dun sa tambayan naming mag babarkada.
"Hoy Red di mo sinabi na may kadate kang magandang dalaga." sabi sa akin ni Vince pero dito sya nakatingin sa babaeng kasama ko sa isang table.
"Excuse me hindi ko sya ka date and beside i don't know him." Explain nya kay Vince tapos tumayo na sya at Sinimulan nya ng mag lakad.
"Shean Andrea!" sigaw nung lalaki. Tumigil naman itong babae sa pag lalakad at tumingin dun sa sumigaw. Dont tell me sya yung Shean Andrea na tinawag nung lalake.
"Jhay-M!" sabi nya naman dun sa lalake.
Parang Familiar sa akin itong lalake na ito parang nakita ko na sya dati hindi ko lang matandaan kung saan.
So sya nga yung tinawag nung lalake at ang pangalan nya ay Shean Andrea at hindi Sam. Kaanu-ano nya naman kaya itong lalaki. Haist pakealam ko ba sa buhay nya.
"Hoy Red baka matunaw yung babae na yun, Oo alam kong maganda sya pero masyado kang obvious Tol." sabi sa akin ni Vince. Ngayon lang ako natauhan na nakatingin pala ako dun.
"obvious na ano?" tanong ko sa kanya.
"Na type mo yung babae." sabi nya habang kinakain yung pagkain ko.
Gago ito ahh inunhan pa akong kainin yung pag kain ko.
Oo na hindi ko na itatangi na hindi ko type yung babae na yun . I like her.
SAM POV.
Ok back to school na ulit ako .. Back to disguise to hide my identity.
7:30 pa lang ready na ako .. I mean naka Uniform na ako at dahil 8 o'clock pa start ng first class ko today napag isip ko na mag laro ng basketball. Hilig ko kasi ang mag laro ng basketball at dahil stable na naman yung lagay ng puso ko pwede na akong mag laro. I have Heart transplan 2years ago..
Hmm I miss playing basketball so ito na nga nandito na ako sa Court.
Mabuti na lang walang tao. Pinulot ko yung bola tapos sinimulan ko ng i-dribble yung bola.
Nag start ako sa 2points shot nag shoot naman next is nag 3points shot ako and then yun nag shoot ulit. Sinubukan ko naman mag Lay-up, Jump-shot at kung anu-ano pa.
Parang pakiramdam ko may na nonood sa akin kaya lumingon ako sa likod ko at dahil na rin sa gulat ko nabato ko yung bola kay Red. Oo tama kayo si Red yung nakita kong nanonood sa akin. Whaaaaah Nakakahiya ≧﹏≦ nakita nya akong nag lalaro tapos ganito yung uniform ko nakaka wala ng Poise. Yung Uniform ko kasi Long Sleeve na White na pinatungan ng Long Sleeve na Navy blue na may neck tie, tapos Mini skirt na dirty brown ang kulay at Long sock hanggang tuhod. did you capture my discription if not go to Hell. Hmm I'm just kidding ^_^v
Napahawak sya sa Ulo nya, na natamaan ko ng bola.
"Oopps Sorry hindi ko sinasadya. bakit ka kasi nanjan nagulat tuloy ako sayo." sabi ko sa kanya. I apologized to him kasi ako yung taong umaako ng kasalanan.
Napansin ko parang dumudugo yung natamaan ko ng bola kaya lumapit ako sa kanya tapos tinignan ko yung ulo nya.
Gosh its bleeding. Kinuha ko agad yung panyo ko sa pocket ko tapos pinunasan ko yung dugo na sa ulo nya.
"I'm Really sorry i didn't mean to throw the ball to your head." explaination ko sa kanya.
"ah eh wala ito." sabi nya sa akin habang napakamot sya sa batok nya bakit ang pogi nitong Creature na nasa harapan ko.
And Wait its a Miracle hindi man lang sya nag sungit sa akin at wala syang Reaction ng punasan ko yung dugo sa ulo nya hindi nya ako tinaboy.
"Tara samahan kita sa clinic para magamot yang sugat mo."offer ko sa kanya.
"Huwag na maliit lang naman ito and I want to say sorry sa nagawa ko sayo last time mainit lang yung ulo ko that time kaya sayo ko naibunton yung init ng ulo ko." sabi nya. May kabutihan din palang taglay itong si Mr. Yabang akala ko na pagkaitan ng kabaitan.
"hmm apology accepted." sabi ko tapos nginitian ko sya .
"I know we dont have a good start . hmm so can we start agian?" tanong nya.
"Sure" matipid kong sagot.
" I'm Jared Montemayor but call me Red and you are?" sabi sa akin ni Red tapos nilahad nya yung kamay nya.
"Sam Mendoza"sabi ko sa kanya tapos naki pag shake hands ako sa kanya . The momment na nahawakan ko yung kamay nya Feeling ko may dumaloy na kuryente sa katawan ko.
Tumingin ako sa Wrist watch ko mag 8o'clock na pala.
" Oh sayo muna yang panyo ko papahiram ko muna incase na kaylanganin mo pa dahil jan sa sugat mo na nadugo." sabi ko sa kanya tapos inilagay ko yung panyo ko sa palad nya.
"So Red i have to go na and nice meeting you see you around na lang. bye.." dugtong kong sabi sa kanya tapos umalis na ako hindi ko na hinintay yung sasabihan nya.
---
Nandito ako ngayun sa Garden tapos na kasi yung klase ko. Hinanap ko yung panyo ko, Ngaun ko lang Na-realize na Pinahiram ko pala kay Red.Hala ang Abnormal ko talaga bakit ko pinahiram yung panyo ko. Ganun pa din naman yung panyo kong naiwan sa Soccer Field na napulot nya. Baka mag taka sya na bakit mag kapareho at baka maisip nya na iisa lang yung nakita nya sa Soccer Field at ako.. Lord wag naman sana.