Kabanata 28 Nang magdilat ako'y natigilan ako. Nasa ibang silid ako at ang ayos ko'y.... Hubad! Nakadapa ako sa isang mahabang upuan na malambot at ang tanging natatakpan sa akin ay ang aking hinaharap at ang aking hiyas. Para bang sinadya lamang inikot sa akin ang manipis na tela. Umungol ako at muling napadapa. Umikot ng konti ang aking paningin. "Huwag kang malikot, Yana..." Napatda ako sa aking narinig at itinuon ang aking atensyon sa isang lalaking nakaupo sa aking harapan at mukha itong nagpipinta. Si Mattheaus! Sa sobrang inis ko'y inabot ko ang plorerang nasa gilid ko at ibinato sa kanya. At nasalo lang naman niya ito, magtataka pa ba ako? Napatihaya ako at ipinikit ang aking mga mata. "Dumapa ka, Yana..." aniya ngunit 'di ko ito sinunod. Ginawa pa akong modelo! Sa isang gal