Chapter 7
“Makitid ang utak nang mga taong ayaw makinig at ayaw maniwala. Gusto nilang may sisihin sa trahedyang nangyari.“
Sa lahat nang narinig ko, sa earthians at ang tungkol sa taga ibang mundo ako ang mas hindi ko matanggap. Totoo talagang hindi ito ang Earth at ito ay Valeria. Kagaya na din ng sabi nang No Face na yun. At sabi pa nito na may kapangyarihan ako? Anong mundo ba ang napuntahan ko?
“Si Ayeng ay isa rin sa mga natulungan nang earthians kaya walang discrimination dito sa amin,” dagdag pa nya
“Kayo lang ba dalawa dito?” Tanong ko sa matanda.
“Oo,” mabilisang sagot nito.
“Tama na muna ang usapan at ipatingin mo kay Ayeng ang paa mong namamaga. Isa syang magaling na manggagamot sa kabila nang kanyang murang edad,” sabi nito sabay lakad palabas nang bahay.
Hindi na ako nag dalawang isip pa at nilagay ang aking namamagang paa sa ibabaw nang silya sa harapan ko. Agad naman ito g tinignan nang babae na nagngangalang Ayeng.
“Nasa labas ba tayo nang nayon?” Tanong ko. Humarap naman ito sa akin at ngumiti nang bahagya na tila may masasakit na memoryang inalala.
“Hindi, pero pinaka dulo na ito at malapit sa labasan nang nayon.” Sabi nito nang nanglukumong boses
“Bat kayo dito tumira malayo sa sentro?” Dagdag kong tanong.
“Ha? Aahhh— ano kasi… ayan!”
“Aray!” Sabi ko bigla.
“Tapos na!” Mabilisang sabi nito sabay tayo. Bigla nya kasing hinigoitan ang tali nang bandena
“Teka!” Habol ko sa kanya nang nagmamadali itomg kumabas nang bahay.
Napakamot nalang ako sa ulo.
“May nagawa ba akong mali?” Bulong ko sa hangin. Napabuntong hininga ako saka nag lakad na palabas nang bahay. Sinalubong ako nang maaliwalas na ilaw kaya napapikit ako sabay kusot sa mata. Ang silaw naman at ang init. Buti nalang ay manipis lang ang damit ko. Summer ata ang panahon dito sa Valeria.
“Dito ka,” tawag ni matandang Sora sa akin. Nag umpisa akong maglakad nang maka adjust mga mata ko sa sikat nang araw.
“Alam mo na ba kung ano ang iyong kakayahan? Base sa nakasalamuha kong mga earthians, pa iba-iba ang kanilang mga kapangyarihan.” Bihlang sabi nang matanda.
“Akala mo ba ikaw lang ang nakaranas nang ganito sa mga tao dito? Madami nang napadpad at umalis din agad sa lugar na ito dahil sa diskriminasyon.” Sabi pa nya.
“Nasaan sila ngayon?” Tanong ko.
“Hindi ko alam pero tinuro ko sila sa sunod na syudad dito. Ma-aaring nandun ang mga kalahi mo.” Sagot nang matanda at nagsimulang magtanim ng gulay sa harapan ko.
“Marunong ka bang mag tanim nang gulay?” Buhlang tanong nito sa akin na malayo na ang tanaw. Bago pa ako nakasagot ay bigla siyang tumayo at nagsalita muli.
“Pumasok ka muna sa bahay at wag na wag kang lalabas,” seryosong tugon nito at tinawag si Ayeng at naglakad palayo ng bahay.
“Sora! Sora!” Narinig kong sigaw nang mga tao sa di kalayuan. Tinignan ko sa isang butas kung ano ang nagaganap at nakita kong may mga tapng sumulong sa bahaly ni Tandang Sora at may bitbit na mga kahoy at bato. Ano ang ginagawa nila?
“Ano na naman ang ipinunta niya rito?” Kalmadong tanong ng matanda sa kanila. Kita sa mata ang galit.
“Alam namin na tinatago mo ang isang earthian! Ilabas mo sya at palabasin nang nayon!” Galit na singhal nang isang matandang lalaki na may bitbit na kahoy na kasing laki nang aking braso.
Pero teka, ako ba ang tinutukoy nila? Ang alam ko, Wala naman akong ginawang masama sa kanila o sa kahit sino man dito.
“At bakit mo naman nasabi na may tinatago ako? At kung meron man, ano naman ang pakialam nyo? Wala kayong karapatan sa bandang ito nang nayon gaya nang sa di ko pangingi-alam sa inyo sa kabila.” Rinig kong sabi ni tandang Sora.
“Pero alam mo ang kasakiman at trahedyang nangyari dahil sa mga lahi nila! Bakit mo ba pinoprotektagan ang hindi lahi natin?! Dinadamay mo pa ang apo mo sa iyong kahibangan!” Halit na sambit nung lalake.
“Wag mo ga-ganyanin si nay Sora!” Sabi ni Ayeng pero parang hindi naman natauhan ang lalaki sa sinabi at di na binigyan pa ng tingin si Ayeng at tinignan ng masama muli si Tandang sora.
“Umalis na kayo dito at ayaw ko nang g**o!” Nag iba bigla ang boses ni Tandang Sora at nagulat nalang ako bihla sa nangyari. May biglang malaking tubig na pumorma na isang malaking sphere sa lugar namin, nasa loob kami nito at nasama ang ibang bahagi at parte ng kanyang bahay. Hindi na ako nakagalaw dahil namangha na ako sa nangyayari. Nahimg kulay asul ang pugar at tila pimoporma nang still water ang sphere.
“Alis na kayo at alam natin lahat na hindi ako gagalit!” Ramdam ko ang inis sa pananalita ni Tandang Sora. Pero kahit d ko na matiis na dinadamay na sila nang mga tao dito ay sinunod ko parin ang tugon nya sa akin na hindi lalabas ng bahay at baka nga naman lumala pa ang away at alam ko g ako ang fahilan dito. Ayaw ko nang pa lalain pa ang init ng ulo at away nang mga taga dito dahil lang sa akin. Kahit d ko maintindihan kung bakit ako ay napadpad dito, wala na akong magagawa kundi tanggapin na totoo ang lahat.
Kalaunan, nakita kong nag si alisan na ang mga tao isa isa. Hanggan sa lumiliit ng paliit ang spere at unti unting nawawala. Nakita kong wala na yung mga sumugod at nahlakad na pabalik sina Tandang Sora sa lugar ko kaya lumabas na din ako ng bahay nya upang salubungin sila.
“Ano po ba ang nangyayari?” Nag aalalalng tanong ko.
“Hayaan monna sila at pag pasensyahan mo na. Sila ay takot sa mga hindi nila alam at di pamilyar na bagay-bagay. Malaki ang naging epekto nang trahedya nuon sa mga tao dito,” pag expleka nya. Tumango-tango nalang din ako.
Hindi ko sila masisisi kung ganin man ang kanilang pakiramdam sa mga dayo sa kanila. Pero sana lang ay matuto silang tratohin parin kami na isang tao at hindi hayop na pinagpipyestahan at sinasaktan.
“Wala kang kasalanan, hayaan mo na sila,” sabi bigla ni tandang sora. Napansin ata na namomoblema din ako sa pangyayari.
“Ano po yung ginawa nyo kanina? Meron din pala kayong kapangyarihan? Hindi ko kasi nakita sa iba na taga roto na meron din sila.” Sabi ko.
“Hindi lahat ng tao ay may kapangyarihan. Kahit di mo kita ay naging isang mage sko sa isang malaking syudad at pinagsilbihan ang hari at reyna bago ako bumalik dito sa Edgeville at tumira dito nang tuluyan.”
“Ang mga kagaya ko ay ang mga taga dito lamang na alam mag ganito. Isa akong defense magistrate. Iyan ang naging ranko ko noon, taga pag tanggol sa mga inaapi sa amin at sa syudad na napamahal na sa akin.” Dagdag nitong sabi.
“Pwede ka munang tumira dito hanggat di pa ok ang paa mo, ang gusto ko lang ay tumulong ka kay Ayeng sa pagtanom o pag pitas ng prutas at gulay dito at libre na ang iba pa.
“Ta—talaga po ba?!” I exclaimed. Na excite sko at may matitirhan muna ako kahit isa akong palamunin at nakaka abala sa kanila pero matagal na kasi akong di kumakain nh desente dito.
“Salamat po!” Masayamg bulyaw ko.
“Walang anuman, sige na at ikaw ay magpahinga muna. Baka bumukas ang tahi mo sa ulo o mas lumubha ang mga paa mo,” sabi jito sa akin na nag aalala.
Ginawa ko naman ang utos nya sabay higa sa kwarto at dahan fahan na pumikit.