Step Six:

1156 Words
Step Six. - Teka, alam n'ya ba na tinititigan ko sya kanina pa?! Walangya, bakit ko ba kasi naisipang suriin 'yang pagmumukha n'ya?! "T-tanga! Ang pangit mo kasi kaya kita tinitingnan." Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Nag iinit na ang pisngi ko sa kahihiyan. Bwiset, hindi na naman ako tatantanan nito kakaasar sa akin! "Sus, kunyari ka pa. Sabihin mo nga sa akin, natuluyan ka na ano?" Nangunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya. "Anong natuluyan?" Tanong ko tsaka nilingon sya. "Natuluyan ng magpakababae. Sa gwapo ko ba namang ito. Alam ko namang naglalaglagan ang mga panty ng mga babaeng nakakasalubong ko, takot lang sila sa akin." Napanganga ako sa sinabi n'ya. Ganito pala talaga kalakas ang self confidence ng isang 'to?! Grabe, ang tindi. "Mahiya ka nga, kung naging lalaki man ako, mas gwapo ako kaysa sa'yo!" Ngumisi sya at bumangon mula sa kama ko tsaka naupo. "Kung nagpapakababae ka sana ngayon, maraming lalaki ang nagkakandarapa sa'yo. Kaya nga ayos lang sa akin, magpakatomboy ka ngayon. Basta siguraduhin mo lang na sa akin parin ang bagsak mo balang araw." Inangat ko ang kamao ko at akmang sasapakin na sya pero nasalo n'ya iyon. "Baka nakakalimutan mo, love. Magaling ako makipaglaban. Para saan pa ang pagtawag sa akin na bad boy kung wala lang?" Ngumiwi ako ng dinidiinan n'ya ang pagkakahawak sa kamao ko. "Aray! Gago ka, ang sakit." Pilit kong hinila ang kamay ko sa kanya pero hindi n'ya pinakawalan. Sa halip ay hinawakan n'ya pa ang kabila kong kamay at umayos sya ng upo paharap sa akin. "Pumapatol ako sa babae, Kray." May halong pang aasar na sabi n'ya. Mas nagulat ako ng hinila n'ya ako palapit sa kanya. Nasubsob tuloy ako sa dibdib n'ya. s**t, ang bango ng pabango n'ya! Kaya ba, ang daming naaakit sa kanya? Kasi ang bango n'ya?! Teka nga, bakit? pakielam ko ba sa amoy n'ya?! Pilit ko syang tinulak pero hindi ako makawala. Niyakap n'ya pa ako. "Ang bango mo, love." Nangilabot ako sa pagkakasabi n'ya non. Hindi ko alam kung dahil ba ang manyak ng pagkakasabi n'ya 'non o dahil ang husky ng boses n'ya. "Ano ba? Bitawan mo nga ako!" "Teka lang, sinusukat ko pa eh." "Ano?!" Inis na sinubukan ko ulit syang itulak. Sa pagkakataong iyon ay nagpatulak na sya. "Sayang di ko masukat, bakit ba kasi iniipit mo pa?" "Ano?!" Nagkibit balikat sya tsaka natawa. "Ang bango ng kama mo, ang sarap matulog dito katabi ka." "Bastos ka talaga." Luminga linga sya sa paligid. "Ikakabit ko na 'yong kurtina. Nasaan na?" Bumuntong hininga ako. Napaka feel at home talaga nitong lalaki na 'to, nakakapagod rin naman kasi makipag away kaya itinuro ko yung bag n'ya na nasa side table. Tumayo sya mula sa kama at madaling kinuha iyong kurtina na nakapatong sa side table. "Bakit ba kasi gustong gusto mo ikabit 'yan?" Tanong ko. Nagulat ako ng inabot lang n'ya iyonh lagayan ko ng kurtina na nakapatong sa ibabaw ng bintana. Sabagay, ang tangkad n'ya naman kasi eh. 6 footer na yata sya. Tapos hindi pa ako umabot sa balikat n'ya! Kayang kaya n'ya nga akong ibalibag kung gugustuhin n'ya. Hindi ko lang talaga alam kung anong klaseng gayuma ba ang nahithit nitong si Harold at grabe ang tama sa akin. "Hindi mo na gugustuhing malaman, basta ilalagay ko 'tong kurtina para walang manilip sa'yo." Namula naman ako. Bakit parang pakiramdam ko, kinilig ako? s**t, hindi dapat ako kinikilig! "Ayan, 'di ba ang ganda tingnan? Alam ko kasi kulay blue ang paborito mong kulay." Nilingon n'ya ako tsaka nginitian. Parang tumalon bigla ang puso ko ng makita ko ang ngiti n'ya. "A-ah, oo. Marami ka naman talagang alam tungkol sa akin eh." Tinalikuran ko na sya. Napapikit ako ng mariin. s**t, bakit ganon yung naramdaman ko? Tangina hindi pwede, lalaki ako! "Dito narin ako maghahapunan ha." Paalam n'ya. "Abusado ka na ha!" Sinabi ko yon na nakatalikod parin sa kanya. Naglakad na ako palabas ng kwarto ko, para kasing hindi ako makahinga kapag malapit sya. Diyos ko naman, akala ko ba pinanganak akong babae pero may pusong lalaki? Bakit ganon? "Ayos na ba si Harold, anak?" Tumango lang ako kay mama at nagdiretso sa kusina. "Magsasaing na ako ma." "Oh, sige." Bago ako makarating sa kusina, narinig ko pa ang pagbukas at pagsara ng pinto. "Good evening po mama!" Hay grabe! Mama na talaga ang tawag n'ya. Ang kapal kapal ng pagmumukha. Hindi ko na pinakinggan ang sumunod na pinag usapan nila. Kasi naman 'di ba? Baka mabadtrip na naman ako! Nagsaing na lang ako at nagluto ng ulam na pwedeng lutuin. May mga stock pa naman sa refrigerator. Kasalukuyan kong hinahalo ang niluluto kong nilagang baboy ng marinig kong magsalita si Harold. "Ang bango!" Nilingon ko sya, nakangiti na naman sya kaya nag iwas agad ako ng tingin. "Mamaya ka na pumasok dito. Tatawagin ko kayo ni mama kapag luto na 'to." Tinikman ko iyong sabaw at ayos na ang lasa. "Ako na ang mag aayos ng hapagkainan." Hindi na lang ako kumibo. Pinabayaan ko syang kumuha ng mga plato at iayos sa lamesa. Nang maluto na iyong ulam ay isinalin ko sa mangkok tsaka nilagay sa lamesa. "Mam--" "Mama, kain na po tayo." Walangya, maka-mama talaga! Pumasok si mama sa kusina na hawak hawak ang cellphone n'ya. "Mama, mamaya ka na mag f*******:! Kumain muna tayo!" Inis na binawi ko iyong phone n'ya. "Sorry naman, kausap ko kasi ang papa mo. Oh sya, sige kain na tayo." Naupo na kami at sabay sabay na kumain. Si Harold nga eh, halatang masayang masaya. "Kailan ka ba nagsimulang magkagusto kay Kray, anak?" Tanong ni mama kay Harold. "Matagal na po akong may gusto kay Kray, highschool pa lang po." Nakinig na lang ako sa usapan nila kasi masamang makipag away sa harap ng hapagkainan. "Ay grabe pala talaga ang tama mo sa anak ko? Hay, alam mo. Kung ang anak ko sana ay babaeng babae, baka hindi ka nakapasok ngayon dito sa bahay." Pigilan mo ang galit mo Kray... Natawa naman ng bahagya si Harold sa sinabi ni mama. "Bakit naman po?" "Kasi, gusto ko sanang bakuran ang anak ko sa mga manliligaw. Kaso tomboy kasi sya eh, gusto ko syang maging babaeng babae kaya pinapayagan kitang manligaw sa kanya." Para naman akong nanlumo sa sinabi ni mama. Akala ko kasi tanggap n'ya na tomboy talaga ako. "Wag po kayong mag alala, magpapakababae po sya." Tila siguradong sagot ni Harold. Yun na nga eh, kung pwede lang talaga magpakababae na lang ako. Pero kasi totoong tomboy ako at hindi ako bisexual lang. "Alam mo ba ma, ngayon lang ulit ako nakakain ng hapunan na may kasabay sa loob ng isang buwan." Nakangiting sabi ni Harold. "Kawawa ka naman pala, pwede ka namang maghapunan dito kapag gusto mo." Umaliwalas lalo ang mukha ni Harold. "Talaga ma?!" Tumango tango si mama. "Sige ma, palakihin mo pa ang ulo niyan!" Kaasar. . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD