Step Forty Four. - "Papa! Huwag ka namang ganyan, hayaan mo munang ipaliwanag namin!" Kahit takot ay mabilis na hinila ko si Harold papunta sa likuran ko. "Kung nagawa mong saktan ang anak ko noon, alam kong magagawa mo rin s'yang saktan ulit! Kaya magkamatayan na, hindi ko ipagkakatiwala si Kray sa'yo!" Galit na sigaw ni papa pabalik, "halika rito Kray, kung ayaw mong itakwil kita! Halika dito!" Nanlaki ang mga mata ko ng ikasa na ni papa ang muling itinutok sa direksyon namin. "Huwag ka namang ganyan, Alwin. Please, ayokong makulong ka..." takot na hinawakan ni mama ang kamay ni papa'ng may hawak na baril. "Pabayaan mo ako Karina, pinuprotektahan ko lang ang anak natin!" Hinawakan ako ni Harold sa balikat. At hinila ako papunta sa likod n'ya, ngayon ay itinago n'ya na ako sa likur