Step Seventeen. - "Kita mo na? Pati lolo mo, tiwalang tiwala sa akin eh." Nakangiting sabi ni Harold habang nagdadrive. "Anong tiwala? Kita mo na ngang napilitan lang." Sagot ko. Eh, kasi naman totoo namang napipilitan lang si lolo. Kitang kita sa mga mata n'ya iyong talim ng tingin n'ya kay Harold kahit pa sinabi n'ya ng nagtitiwala na sya. "Tiwala parin iyon!" Pagmamalaki ni Harold. "Oh, edi sige na! Ikaw na." Inirapan ko siya at ibinaling na lamang ang tingin sa labas ng bintana ng kotse n'ya. Gusto ko sanang hindi muna makita ang pagmumukha nitong si Harold pero lintek, bukas may pasok na naman kami at makikita ko na naman ang pagmumukha n'ya. At muntik ko pa nga talagang makalimutan na kapitbahay ko siya eh, ano? "Kain muna tayo bago tayo dumiretso sa bahay n'yo." Nilingon k