Chapter eleven "Wooo Three points!! Go Go Kevin Go!!" Halos lumabas na ang lalamunan ni Chacha sa pag cheer para kay Kevin habang naglalaro ito ng Basketball. Masakit na din ang palad niya kakapalak-pak para dito. Punong Puno ang gymnasium ng mga studyanteng nanunuod ng basketball. Madami ding teachers ang nanunuod. Game one! . White Dragon Versus Red Tigers Lamang ang Red Tigers dahil ang galing ni Kevin maglaro ng basketball. At sa tuwing nakaka shoot ito napapalingon ito sa pwesto ni Chacha kaya naman kinikilig siya! "Huy! ano ba Miss ang sakit sa tenga ng tili mo!" sigaw sakanya ng babae "Ahhhhhh Woooo! Go kevin Go!" Hindi pinapansin ni Chacha ang mga babaeng naiinis na sakanya. Paano ba naman hindi maiinis ang mga ito, Eh halos mabinge na ang mga ito sa makabasag Eardrums n

