Chapter 17 "Nag Enjoy ba kayo?" Tanong ni Manong Robert ng sunduin sila nito sa Secret Island. Nakasakay na sila ngayon sa Speed boat at may suot silang life vest "Opo manong sana magkatotoo wish ko" "Magkakatotoo yun" Napatingin siya agad kay kevin. Ilang beses bang papatibukin ni Kevin ang munting puso niya? Ilang beses ba nito papakiligin ang ovary niya? Nakakalokaaa kinilig nanaman ako Napapangiti si Manong Robert "Hay ang sarap talaga maging bata. Ligawan dito ligawan diyan. Parang gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata" Anito habang nag mamaniobra ng bangka "Mang robert bata pa naman kayo" "Talaga Hija?" "Opo mukha lang kayong fifty years old hindi pa po kayo mukhang senior citizen" Napaubo si Mang robert sa sinabi niya at napa-ngiwi ito "O bakit po? May nasabi po ba a

