Chapter 4

1884 Words
Chapter four Nakasimangot si Chacha habang naglalakad siya sa corridor ng campus nila. Inis na inis pa din kase siya sa dalawang babae sa loob ng restroom kanina Paano naman nila masasabing magiging boyfriend niya si kevin? Kapal niya grrrr Malalim ang kanyang iniisip kaya hindi niya napansin na makakasalubong niya si Kevin. Napanisin nitong malungkot siya kaya hinarangan nito ang dadaanan niya She bump into his body Doon palang tumingin si Chacha sa taong nakabanga niya "Ay kabayo" Nagulat pa siya ng makitang si Kevin ang nabanga niya "S..Sweetheart" Namula agad ang pisngi niya dahil nagulat siya. At si Kevin pa talaga ang nasa harap niya ngayon "Malalim ata iniisip mo?" Tanong nito "A..Ah eh..Hindi naman masyado" Tinignan lang nito ang kanyang mukha "Saan ka pupunta? Wag mo sabihing mag cucuting classes ka nanaman?" Nakasimangot na tanong ni kevin sakanya Napangiti siya "Uy concern ang sweetheart ko? Mag mimiryenda lang ako sa cafeteria. Hindi po ako mag cucutting classes" "Okay" iniwasan nitong mapatingin sakanya "Nag miryenda ka na ba?" Tanong niya kay kevin bago ito tuluyan lumakad palayo. Napatingin ito sakanya kaya Ngumiti siya ng matamis. "Why?" Napakunot nuo nito. "Bakit ba palaging nakasimangot ka sakin sweetheart?" Hindi mapigilan magtanong ni Charlene. Ngumiti lalo siya dahil nag iwas ito ng tingin "I..I just don't like your smile. So don't Smile often" Nawala unti unti ang ngiti ni Chacha. Hindi niya inaasahan na sasabihin ni Kevin sakanya ang salitang iyon P..panget ba akong ngumiti? P..panget ba ako? B..Buo naman at mapuputi ang ngipin ko.. Halos limang beses pa nga ako mag toothbrush... Paano naging panget ang ngiti ko?? Natahimik siya sa sinabi ni Kevin. "M..Mauna nako sayo" Nag madali na si Kevin lumakad palayo sakanya. Malungkot na napayuko si Chacha.. Haaay. Kahit anong gawin ko hindi mo pa din ako magustuhan kevin.. Malungkot siyang naglakad papunta sa Cafeteria na nasa likod ng Building one Mag isa lang siya dahil hindi niya makita si Hazel at Paulo. Kaya naman sa pinakadulong table sa loob ng cafeteria niya naisipan pumwesto. Kaunti lang ng studuyante sa loob dahil umuulan sa labas Nais niyang mag senti dahil sa sinabi ni Kevin sakanya. Umulan nanaman? Siguro umiiyak ang langit kapag umiiyak ang puso ko? Naisipan niyang tumingin sa labas ng cafeteria baka sakaling matanaw niya sila hazel at Paulo. Ngunit Malakas ang ulan kaya wala din siyang nakikitang kahit ano hmm Grabe ang lakas ng ulan.. Habang nag iisip siya narinig niyang tumunog ang speakers sa buong Campus. Ito ay isang announcement na pinapauwi na lahat ng studyante dahil sa Bagyo. Napangiti ang mga studyante sa loob ng cafeteria. Mukhang ang iba sa mga ito ay masaya Napabuntong hininga nalang si Chacha. Malungkot padin kase siya dahil sinabihan siya ni Kevin na hindi nito gustong makita ang ngiti niya. Ngiti pa naman ako ng ngiti pag nakikita ko siya yun pala ayaw niya sa ngiti ko? Maya maya pa habang ng iisip siya ng malalim may kumalabit sakanyang likuran kaya napatingin siya Muntik pa siyang magulat ng makitang ai Kevin ang kumalabit sakanya "S...Sweetheart" napatayo siya sa kanyang upuan "Hindi ka pa ba uuwi? bumabagyo na" Seryosong tanong nito "H..Hindi pa. Sasabay nalang ako kay kuya larry mamaya--" "Nakauwi na siya" putol nito sa kanyang sinasabi "Huh?! Nakauwi agad?" Tumango ito "Ihahatid na kita" Unti unti nanlaki ang kanyang mata dahil sa sinabi ni Kevin "I..Ihahatid... Ihahatid... Ihahatid mo ako sa bahay?!" Medyo nabulol pa siya sa halo halong emosyon Masaya at kinikilig siya Tumikhim ito at hindi makatingin ng deretso sa kanyang mata "M..May naiwan kase ako kay Larry kailangan ko yun daanan sa bahay niyo" Napalabi siya akala pa naman niya ihahatid siya nito dahil concern ito sakanya. Yun pala may naiwan ito kay Kuya Larry niya. "Hmmp. Ayoko pang umuwi kung ganon" Napakunot naman ang nuo nito "Okay" Tumalikod na ito at lumakad Grrrr hindi man lang ako pinilit?? Kaya agad niyang sinundan si Kevin. Naabutan naman niya agad ito. Napatingin ito sakanya. "O akala ko ba mamaya ka pa uuwi?" Pilyong tanong nito. Halatang inaasar siya nito "Hmp. Uuwi nako wala akong dalang payong eh" "Hindi ka naman talaga nagdadala ng payong kahit kailan" Mahinang sabi nito kaya hindi niya narinig. . "Ano kamo?" tanong niya "Wala. Sabi ko tara na" binuksan ni Kevin ang payong nito at tumingin sakanya "Lumapit ka sakin mababasa ka" Napakagat labi naman si Chacha dahil kinikilig siya. Mabilis siya lumapit kay Kevin. Dahil likas na makapal ang kanyang mukha humawak pa siya sa braso ni Kevin. Para bang close na close na sila Tinaasan siya ng kilay ni Kevin dahil sa kanyang ginawa. Masungit itong nakatingin sa kamay niya na nakakapit sa braso nito "Sabi ko lumapit ka hindi kumapit" masungit nitong pagalit sakanya "Hayaan mo na. Baka mabasa ako e. Ang liit kaya ng payong mo" Napailing nalang si Kevin at wala ng nagawa. Lumabas sila ng Cafeteria. Malakas pa din ang ulan. But she cherish the moment with Kevin. She love holding him.. She love the feeling of being this close to him.. Buo na ang kanyang araw dahil pakiramdam niya nobyo niya ito May mga studyanteng nakakasabay nilang maglakad na mukhang pauwi nadin. Napapatingin ang mga ito sakanila Namumula naman ang pisngi ni Kevin dahil pinagtitinginan sila ng mga studyante Napansin ni Kevin na nababasa ang kaliwang balikat ni Chacha dahil sa sobrang lakas ng ulan Tinangal ni Kevin ang braso ni Chacha na nakakapit sa kanyang braso. Napatingin agad ito sakanya. Mag rereklamo sana ito ngunit natulala ito ng akbayan niya ito upang hindi mabasa ng uniform nito Para bang slow motion ang nangyari. Lumakas ng husto ang puso ni Charlene dahil sa ginawa ni Kevin. nakatitig siya sa kinilos nito. Natutulala siya dahil akala niya inalis ni kevin ang kamay niya dahil nahihiya ito ngunit iba pala ang gagawin nito. Inakbayan siya ni Kevin at hinapit palapit sa katawan nito upang hindi siya mabasa Parang gusto niyang umiyak sa sobrang tuwa. Tahimik silang nagpatuloy maglakad habang naka-akbay ito sakanya. Lalo naman naingit ang mga tao sa paligid. Thank you lord sa bagyo. Thank you for this day. huhu "N..Nagugutom ka ba?" sabi nito malapit sa tenga niya dahil malakas pa din ang ulan Napatingin agad siya kay Kevin. Hindi ito makatingin sakanya "H..Huh?" "Wala" masungit nitong sagot "N..Narinig ko. Oo gutom n gutom nga ako kase diba dapat mag mimiryenda ako kanina? kaso nawalan ako ng gana kumain kase sabi mo panget ang ngiti ko--Opps" Napatakip agad siya ng kanyang bibig dahil sa kadaldalan niya!! Tumingin ito sakanya at may kinuha ito sa loob ng Body bag nito "Here.." May binigay ito sakanyang lunch box. "A..Ano to?" "Thats my dinner. kainin mo nalang mamaya pag uwi mo. Baka nasa office pa ang parents mo hindi ka pa naman marunong magluto." Unti unti siyang napangiti. Lalong lumalalim ang pagmamahal niya kay Kevin dahil sa mga ginagawa nito. Pakiramdam niya hinaplos nito ang puso niya Oh my God im so inlove with you Kevin... "Thank you sweetheart!" Bigla niya itong niyakap sa sobrang tuwa niya. Tahimik lang ito. "L..Lets go" Aya nito upang tigilan na niya ang pag yakap niya Tuwang tuwa talaga siya. Tinago niya agad ang lunch box sa loob ng pink Bag niya Mahina na ang ulan kaya akala ni Chacha hindi na siya muli aakbayan ni Kevin. Pero nagulat siya dahil inakbayan siya nitong muli!! Juskkoooo Lord. Thank you talaga!!! Hindi ko lalabahan tong uniform ko hahaha Kilig na kilig siya dahil hangang makarating sila sa tapat ng bahay nila naka-akbay ito sakanya. Kahit ambon nalang Doon palang nito tinangal ang pagkakaakbay sakanya "S...Salamat sa pag hatid..." Tumango lang ito "Hoy chikiting!" Nasa tapat ng pintuan ang kuya Larry niya mukhang kakauwi lang nito. Binubuksan nito ang pinto gamit ang susi nito Napalingon silang dalawa ni kevin kay Larry "Uy Kev? Aba hinatid mo kapatid ko? Himala!" Tuwang tuwang sabi ng kuya niya. Tumango lang si Kevin "Thanks Bro. kundi basang sisiw yan ngayon" "Bwisit ka kase kuya eh. Di mo man lang ako naalalang isabay sa motor mo!" May motor na kase ang kuya larry niya. regalo yun ng kanyang papa sa kuya niya nung nakaraang birthday nito "Syempre chix muna bago kapatid" Nakangising wika ni Larry "Mabuti nalang hinatid ako ng sweetheart ko.hihi" Kinikilig padin siya dahil sa paghatid ni kevin sakanya "Mauna na ako" Tahimik na umalis si Kevin "Wait! Diba may naiwan ka kay kuya?" pahabol niya Umiling ito at medyo ngumiti tapos tumalikod na Nanlaki ang kanyang mata Oh... Oh... Oh my... Oh My God!!!! Ibig bang sabihin nun.... HINATID NIYA LANG TALAGA AKO?! OH MY GOD!!!! Unti unti siyang napangiti at bumilis ng husto ang t***k ng kanyang puso "Asa ka naman kay kevin chikiting?" Pang asar ng kuya larry niya sakanya Tinignan niya ito ng masama "Wag kang kumontra sa love life ko baka mausog mo" Napakagat labi siya at di niya maiwasan mapatalon sa sobrang kilig Para siyang batang tuwang tuwa "Yieeeee Hinatid niya akoooo!!!" Natatawa lang ang kuya larry niya sakanya piningot nito ang kanyang tenga. "Alam mo ba yung kasabihan? Wag kang tumitig sa singkit baka ikay umibig. Wag kang umasa baka ikay mabalisa" Tawa ito ng tawa dahil biglang nawala ang kanyang ngiti Ang galing talaga mang asar ng kanyang kapatid "Bwisit ka kuya alam mo yun?!" Hinampas niya ito "Sis wag kang umasa kay Kevin. Nag alala lang sayo yan dahil kapatid kita. Pero hindi ka type ni Kevin. Ayaw nun sa hindi nag aaral ng mabuti. Ayaw nun ng maingay matakaw at higit sa lahat ayaw niya sa isip batang katulad mo." Sinimangutan niya lang ang kuya niya. "Tss Bakit ikaw ba si Kevin ha? Pano mo naman nasasabi yan ha!" "Una sa lahat bestfriend ko yun kilala ko yun. Kilala ko crush nun pero hindi ko sasabihin sayo." "M..May c..crush siya?!" Parang sinasakal ang kanyang puso dahil sa sinabi ng kuya niya "Yup. Kaya sis wag kana umasa hahaha. Iiyak na yan! Iiyak na yan!" Napalunok siya. Pakiramdam niya may bumara sa lalamunan niya. Unti unti din binabalot ng lungkot ang kanyang batang puso "M..Maganda ba yung crush niya?" Nakayukong tanong niya Natigil sa pagtawa ang kuya niya ng mapansin nitong seryoso na siya "Maganda at matalino sobra. Kaya mag aral ka ng mabuti baka sakaling magkagusto sayo si Kevin. Bata ka pa naman e" Tinapik ni kuya Larry ang kanyang balikat Tumango na lang siya. Pakiramdam niya lahat ng kilig niya nawala bigla at napalitan ng lungkot S..Sino kaya crush niya? B..Bakit may crush siyang iba? Pagpasok niya sa kanyang kwarto. tumingin agad siya sa salamin. Maliit lang ang kwarto niya. Ngunit hello kity ang design ng lahat ng kanyang gamit. Pati kanyang Bed sheet ay hello kitty din. Galing pa iyon sa Tita niya na nagtatrabaho sa Japan bilang singer. Tinitigan niyang mabuti ang kanyang mukha. M..Maganda din naman ako.. Sinubukan niyang ngumiti . Napahawak siya sa kanyang mukha. at malungkot na napatitig sa sariling reflection sa salamin. M..Maganda din ang ngiti ko.. Pero bakit hindi ako ang nagustohan niya.. Hay nako Maganda ka nga kaso tamad ka kase mag aral. Palagi ka nalang napapagalitan ng teacher mo. Palagi ka pang nag cucuting classes. - Sigaw ng kanyang isip Siguro nga kaya hindi niya ako gusto dahil tamad ako. From now on mag aaral nakong mabuti..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD