Chapter Eight Kinabukasan. Maagang pumasok si Chacha. Maganda ang gising niya dahil sa pag uusap nila ni Kevin kagabi. Hangang ngayon kinikilig pa din siya sa binigay nitong Long Stem Red Rose bilang pag sosorry nito Pakiramdam ni Chacha may munting ugnayan na sila ni Kevin mula kagabi. Kaya napakasaya ng puso niya. Huminga siya ng malalim ng makita niya si Kevin na naglalakad papasok sa Gate ng Campus nila. As usual hinihintay niya uli ito Walang kupas ang kagwapuhan nito Hays Paano ko ba iiwasang hindi ka magustuhan sweetheart ko? "Good morning" Bati niya kay Kevin ng dumaan ito sa kanyang harapan. Tumingin ito sakanya at ngumiti ng tipid Napa-ngiti siya ng todo dahil sa wakas ngumiti ito sakanya! Ngunit hindi siya kinausap nito. Naglakad lang ito ng drederetso. Napatingin

