[Jordan] . "Xandra...have dinner with me tonight..."sabi ko dito sa intercom. Nakakabinging katahimikan lang ang maririnig mo sa kabilang linya. Pero alam kong andun pa si Xandra. "Xandra, please?" paki-usap ko dito. "I - I'm sorry, S-Sir....hindi puwede." Agad na nawala ito sa linya. Sh*t! Stupid. Dapat personal kong sinabi sa kanya! Ano nga bang alam ko sa panunuyo sa babae? Puro pag-aaral lang ang inatupag ko. Kung nai-involve man ako sa babae iyon ay dahil sa sila ang nagpapakita ng motibo sa akin. Iyong babae lang na iyon sa bar ang bukod-tanging nakakuha ng atensiyon ko. [Xandra] "Xandra, pwede daw magsama ng anak, asawa o jowa sa Company outing natin!" excited na balita ni Aly sa akin. Linggo ngayon.