NAKAUWI na ang mga magulang namin. Si Xandra ay pinauna ko na sa kuwarto namin habang hinatid ko na ang dalawang anak namin sa kuwarto nila. Kailangan kong makasigurong tulog na talaga tong dalawang ito bago ako sumunod kay Xandra. Nangako ako sa asawa ko kanina at ayaw kong masira sa pangako ko sa isang buntis na naglilihi. May bago na nga akong kasabihan ngayon: Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa buntis na nabibitin... Pakiramdam ko naman ay mahimbing na ang tulog ng dalawa kaya dahan dahan na akong lumabas ng kuwarto nila. Pagkapasok ko sa kuwarto namin ni Xandra ay nakita ko itong nakahiga na sa kama. Tumabi ako dito at saka yumakap mula sa likuran nito. Humarap naman ito sa akin at saka yumakap kaya hinapit ko lalo ito palapit sa akin. Nagu