Maaga akong gumising kinabukasan. Excited ako sa pagpasok ko sa SS. Dumaan uli ako sa flower shop para bigyan si Xandra. Parang nakikinita ko na ang pag-irap-irap nun sa akin. Napangiti tuloy ako. Pasipol-sipol pa akong naghintay sa pagbukas ng elevator. Hindi ko alam kung bakit pero may konting kaba sa dibdib ko. Ipinagwalang bahala ko lang yun. Nang bumukas ang elevator ay pinauna kong sumakay ang mga empleyado. Nakita kong sumakay si Jane at tila nang-iinis ang tingin mula sa bulaklak na hawak ko at saka sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Mahirap na. Makita na naman ako ni Xandra na kausap si Jane. Tiyak World War III na. Paglabas ko sa elevator, napansin ko agad na nakapatay pa ang ilaw sa kuwarto niya. Bumalik na naman ang kabang naramdaman ko