[Jordan] . . Napasabunot ako sa walang tigil na ring ng phone ko. Ugh! Sino kaya ang bwisit na tumatawag ng ganito kaaga? Actually, it's nearly nine in the morning. Pero dahil sa two o' clock na ako nakatulog ay hindi pa buo ang tulog ko. Nakapikit kong kinapa ang cell phone ko sa side table. Pilit kong idinilat ang isang mata ko para makita ang screen. . Clay calling... . Napilitan akong bumangon nang makita ko kung sino anng tumatawag. "Better be sure that you have good news for me for disturbing my sleep." paos kong sabi dito. ["Kaya ka napag-iiwanan eh. Tulog ka ng tulog. Kanina pa ko tumatawag sa yo, ah! Or baka naman hindi ka na interesado sa pinapagawa mo sa kin?"] "Are you insane? Sa tingin mo uubusin ko ang panahon ko sa alak kung ma