One week na lang ang hinihintay bago ang pagre-retire ni Mr. Syjuco. Kahit ina-assure ako ng matandang Syjuco na hindi ako mawawalan ng trabaho, andun pa din ang takot sa dibdib ko. Paano kung hindi kasing bait ni Mr. Syjuco ang anak nito?
Paano ko ba naman makakalimutan ang kabutihang loob ng matanda?
"S-ir, pwede ko po ba kayo kausapin?" atubili kong sabi kay Mr. Syjuco.
"Ano yun, Xandra?" nakangiti nitong sabi.
"Umm..kabuwanan ko na po kasi ngayong month na ito. Ipapakiusap ko lang po sana na baka pwede pong yung bestfriend ko na lang muna ang maging reliever ko?" lakas loob kong sabi dito.
"Kasi po inaalala ko yung pambayad namin sa apartment kapag nanganak na po ako. Tutal naman po tapos naman na po si Aly. Graduation na lang po ang hinihintay niya."
"No problem, Xandra." sabay tapik nito sa braso kong nakapatong sa mesa niya.
"Ta-talaga po??" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Anything for you, iha. Ikaw at iyang pinagbubuntis mo ang best asset ko dito sa kumpanya!" sabi pa nito.
"Naku! Hindi naman po...nakakahiya po, Sir baka po may makarinig...iba pa ang isipin."
"Ah! Basta yun ang paniniwala ko. Tapos!"
Nginitian ko lang to.
"Bukas isama mo na yung kaibigan mo dito para maturuan mo na siya ng dapat niyang gawin."
"Thank you po, Sir. Maraming salamat po."
Hindi lang doon natapos ang kabutihan ng matandang Syjuco sa akin. Sinagot na din nito ang gastos ko sa panganganak. Habang nagle-labor ako sa loob ng delivery room, silang mag asawa ang naroroon sa hospital hanggang sa makalabas ako ay sila ang nag asikaso sa akin. Lalo ko tuloy na-miss ang mga magulang ko.
Nung binyag ni Xander ay balak pa sana nilang mag-asawa na maghanda. Pero hindi na ako pumayag. Sobra-sobra na ang naitulong nila at ayokong abusuhin yun.
Simpleng selebrasyon lang ang naganap. Si Aly ang ninang at si Ashlee, na pangalawang anak na lalaki ng mag-asawang Syjuco, ay nagprisinta namang maging ninong para partner daw sila ni Aly. Kumain lang kaming lima sa isang restaurant.
"Kumusta na si Xander?" tanong ni Mr. Syjuco.
"Okay naman po. Hyper lang talaga. Minsan hindi ko na kayang sabayan ang pagka-active niya." nakangiti kong sagot.
Natawa ang matanda.
"Naaalala ko sa kanya ang anak ko. Ganyang ganyan din si Jordan ko noon." nakangiting sabi nito na sa kawalan nakatingin na para bang ini-imagine niya iyong anak niya nung bata pa ito.
Biglang napawi ang ngiti ko sa sinabi niya.
"Sir? Sigurado ka po bang magugustuhan ako ng anak ninyo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Biglang napatingin sa akin si Mr. Syjuco.
"I- I mean... bilang secretary niya."
Mahina itong tumawa.
"Don't worry. Na-build up na kita sa kanya. At kabilin-bilinan ko na wag ka niyang gagalawin. I mean - sa puwesto mo."
Kapwa kami natawa ni Mr. Syjuco.
"Buti pa ipagtimpla mo ako ng kape, Xandra. Magtipla ka na din ng para sa iyo. May idinaan si Ashlee na donuts kanina di ba. Mag-snack muna tayo." sabi niya.
"Naku, Sir. Bawal sa iyo yun!" babala ka dito.
"Minsan-minsan lang naman, Xandra. A piece will not hurt me." nakangiting sagot nito.
"Tsk! Isa lang, Sir ha. Lagot ako kay Misis niyan," sabi ko dito.
"Promise! Isa lang." nakangiting sabi nito.
Tumalikod na ako para magpunta sa pantry namin dito sa loob ng opisina ni Sir Alex.
Nalulungkot man ako sa nalalapit na pagre-retire ni Mr. Syjuco ay alam kong panahon na din para pagtuunan naman niya ng pansin ang kalusugan niya. Tutal naman ay may kakayahan nang pumalit ang dalawang anak niya.
Habang hinihintay ko ang kape na isinalang ko sa coffeemaker ay inalala ko kung paano nga ba ako naging secretary ng presidente ng Syjuco Shipping mula sa pagiging receptionist.
Isang linggo na lang at kailangan ko nang bumalik sa trabaho nang bisitahin ako isang hapon ni Mr. Syjuco. Nakangiting nakamasid ito kay baby Xander nang abutan ko sa sala.
"Sir, pasensiya na po kayo. Kape lang po ang maaalok ko sa inyo." nahihiya kong sabi.
"Yan nga ang dinayo ko dito eh. Nami-miss ko na kaya ang kape mo." saka ito tumawa.
"Hindi mo pa din ba makasundo ang kape ni Agnes?" pabirong tanong ko sa kanya.
"Ano pa nga ba. Alam mo, natutuwa ako pag tinitingnan ko ang anak mo. I remember Jordan when he was that age."
Napangiti ako sa sinabi nito.
"Anyway, the reason why I am here is I want you to extend your vacation."
"Po?!" gulat kong sabi.
"Tatlong sem na lang naman ang kailangan mo para maka-graduate ka di ba?"
Napatango ako.
"Ayaw mo bang tapusin? Maganda pa naman grades mo. I believe magiging asset kita lalo sa kumpanya ko."
Napangiti ako.
"Sir...gusto ko po sana pero hindi ko pa po kaya sa ngayon ang gastos." nahihiya kong sabi.
"Don't worry. The company will just give you an Education Loan. Will that be okay?" nakangiti nitong sabi.
"Talaga po?"
Tumango lang ito.
"Kakayanin mo ba? I mean-- with the baby...and --"
"Kakayanin ko po Sir! Kakayanin ko po." natutuwa kong sagot.
Nag-enroll ako agad. Si Carla, ang nakatuwang ko kay Xander. Siya ang katulong kong magbantay. Sa araw sa kanya ko iniiwan si Xander. Inaabutan ko na lang si Carla ng pambili man lang nila ng ulam ng pamilya niya.
Mahirap nung una. Papasok sa araw, pagdating sa gabi ay mag-aaral pa ako, kasabay ng pag-aalaga sa baby ko. May mga gabi pang gising na gising si baby Xander kaya pumapasok ako sa school na halos walang tulog.
Minsan sa awa sa akin ni Aly ay siya naman ang nagpupuyat kay baby Xander. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala si Aly at si Carla sa buhay ko.
Kalaunan ay nakasanayan ko na ang buhay ko. Aral-alaga ng anak. Hanggang sa mag-isang taon na si Xander. Ipaghahanda na naman sana ito ng mag asawang Syjuco pero tumanggi na ako. Nagkasya na lang kami sa isang simpleng pagkain sa isang restaurant.
Hanggang sa graduation ko ay sila-sila pa rin ang kasalo ko sa pagdiriwang ko. Si Aly, si Carla, ang mag asawang Syjuco, at si baby Xander.
Naalala ko ang mga importanteng tao sa buhay ko. Kung hindi sana sa katigasan ng ulo ko, kasama ko sila sana sa importanteng yugto ng buhay ko. Hindi ko tuloy napigilang umiyak nung araw ng Graduation ko.
"Beshie, bakit di mo kaya subukang tawagan sila?" narinig kong sabi ni Aly sa tabi ko.
Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko.
"Wala ito Aly, napuwing lang ako." pilit akong ngumiti dito.
"Made-deny mo sa ibang tao, Xandra pero sa kin hindi." sabi nito sabay yakap nito sa akin.
UNANG araw ng pagpasok ko uli sa Syjuco Shipping, nagulat ako bakit may ibang taong nakaupo sa Reception Area. Ang alam ko ay nalipat na si Aly sa ibang department since babalik na nga ako. Hindi ko tuloy malaman kung saan ako pupuwesto.
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa isiping baka wala na akong trabaho. Kung sakali, wala namang nababanggit si Aly sa akin. Pero imposible namang pinag-aral ako ni Mr. Syjuco, tapos aalisan niya ako ng trabaho? Naguguluhan man ako ay sumakay pa rin ako ng elevator para hanapin sa taas si Aly. Naalala ko tuloy na maagang umalis si Aly kanina at hindi pa ako isinabay.
Pagkabukas ng elevator ay madilim na hallway ang sumalubong sa akin. Nagtataka man ay lumabas pa din ako at saka naglakad.
Asan ang mga tao dito?
Sinubukan kong buksan ang unang pinto pero naka lock ito. Naglakad pa ako para makarating sa pangalawang pinto. Pinihit ko ang door knob pero naka lock din ito.
Napatingin ako sa canteen. Baka andun ang mga tao. Nagmamadali akong pumunta sa canteen dahil hindi na maganda ang pakirandam ko. Dapat sa mga oras na to ay andito na ang mga empleyado dito sa second floor.
Napansin kong madilim din ang loob ng canteen. Dahan dahan kong itinulak ang pintuan. Nagulat ako nang biglang bumukas ang mga ilaw.
"Welcome back!!!"
Andun silang lahat! Pati si Mr. Syjuco ay naroon din.
Seriously? Napapasok nila ng ganito kaaga ang boss namin?
Natutuwang nilapitan ko sila. May mga pagkain sa mesa at may cake pa sa gitna.
"Naiiyak naman ako sa inyo....pinagkaabalahan nio pa ang pagbabalik ko." naiiyak na sabi ko.
"You deserve it, iha." sagot ni Sir Alex.
"Oh, tara na! Kain na tayo, Gutom na ko," birong anunsiyo niya.
Nag-umpisa na ngang kumain ang lahat.
"Surprised ka noh?" sabi sa kin ni Aly nang tumabi sa akin ito.
"Bakit hindi mo sinabi sa kin?" tanong ko dito.
"Duh! May surprise bang sinasabi? Kaya nga surprise noh!" sagot nito.
Sabay pa kaming natawa.
"Teka, sino yung nakaupo sa Reception area?" tanong ko dito.
"Ah...si Ella. Yung bagong receptionist." walang gatol na sabi nito.
Namilog ang mata ko.
"Bagong receptionist? Posisyon ko yun, ah. Pano nangyari yun? Paano ako?" mahina kong sita dito.
"Aba, tanungin mo si boss. Hindi ako," sagot naman ni Aly.
"Naku, nahiya naman ako. Baka sabihin niya anong karapatan kong kuwestiyunin siya. HIndi ko lang alam kung saan ako pupuwesto nito mamaya." nag-aalala kong sagot.
Habang naghihintay ako ng tamang tiyempo para tanungin si Sir Alex, mayamaya ay tumayo ito sa gitna .
"Guys....double celebration tayo ngayon dito. Bukod sa pag welcome back natin kay Xandra, let us wish Agnes a prosperous married life! So starting today, Xandra will be the President's Executive Secretary!"
Nagpalakpakan ang lahat. Nahigit ko ang hininga ko. Sobra-sobra naman yatang blessings ang natanggap ko ngayong araw. SIyempre, kung Executive Secretary ako ay tataas ang sahod ko, Kailangan ko iyon ngayon, lalo na at lumalaki na din ang gastos ko kay Xander.
Lord...sobra-sobra na po ang naibigay mo sa kin....salamat po.
~CJ1016