“MISS Moraitis!” Napatingin si Gaia sa harapan at nakita niya ang kaniyang teacher na siyang kanina pa tumatawag sa kaniya. Agad napatayo si Gaia at napatingin sa paligid. Maraming tumatawa maliban nalang sa mga kaibigan niya na may pag-aalalang ekspresiyon sa mukha. "You're not listening! You're free to go out if you're not interested in my class!" gigil na sigaw ng guro sa kaniya. Napayuko nalang siya tsaka tiningnan ang mga kaibigan niya. She mouthed, ‘labas muna ako’. At lumabas na nga siya ng classroom nila, ‘di pinakinggan ang pag tawag ni Zeira. Narinig niya pa ang pagpalatak ng teacher nila bago siya makalabas. She needs to go out, kailangan niya ng sariwang hangin. Masyado siyang baon sa mga palaisipan sa mga nakalipas na mga araw. Her mind is on chaos since she had that d