"SABAY nating sakupin ang buong mundo, Gaia. Tayong pinakamakapangyarihan ang may higit na karapatan na pamunuan ang buong mundo. Ang nga mahihina ay dapat lang lumuhod at sumunod sa atin. We are made to conquer and to be followed, Gaia,” sambit ni Desmond. Sa gilid ng mata ni Gaia ay nahahagip niya ang ginagawang pag-iling ng mga diyos. Muli nitong itinuon ang tingin kay Desmond na mahigpit ang pagkakasakal kay Granit. "Pakawalan mo muna si Granit. Wala kang gagalawin sa kanila." Walang mababakas na emosiyon sa boses ni Gaia. Wala na siyang dapat isipin sa oras na iyon kundi ang kaligtasan ng mga mahal niya sa buhay at ng buong mundo. Nagpakawala ng malakas na tawa si Desmond. Pumaskil ang mapanganib na ngisi sa labi nito. "Hmm mabilis kang kausap! Hindi ko nababasa ang isip mo, kaya