AGAD inasikaso sila Demitre ng dumating sila sa bundok ng Avian. Malaki ang pasasalamat ng mga nasasakupan ni apo Omre sa kanila, dahil nawala ang sumpa sa mga taong naroon. Ang dating mga taong naging ibon ay naibalik na sa dating anyo. "Bakit niyo naisipang bumisita dito? Tsaka anong nangyari kay Gaia? Maayos lang ba ang lagay niya?" Nasa loob silang lahat sa bahay ni apo Omre na siyang pinakamalaki sa lahat. "May... may paparating pong delubyo..." Utal-utal na sagot ni Zeira na kanina pa mahigpit ang kapit kay Caiz na katabi nito ngayon. Silang magkakaibigan pwera nalang kay Zhyke na Aither pala ang totoong pangalan, lahat sila ay nakaramdam ng pagkabalisa. Hindi nila alam kung ano ang dapat gawin. "Tama nga ang pangitain ko tungkol sa batang iyan." Napatingin silang lahat sa babae