MARIING pumikit muna si Bernice matapos damputin ang ikalawang pregnancy test kit na ginamit niya. Maaga siyang gumising para gawin iyon at marahan lang ang kilos niya para hindi magising si Macoy. Kagabi pa ito nagtataka sa kanya dahil paiba iba nga ang mood niya. Wala pati siya gana dahil kakaiba niya nang panlasa. Panay din ang request niya ng mga pagkain na wala naman sa bahay nila. Palusot na lang niya na magkakaroon na siya kaya ganun siya ka-demanding. Umusal muna siya ng taimtim na dasal bago iminulat ang kanyang mga mata. The test is still positive. She’s really going to be a mom again. Nasapo niya ang kanyang tiyan. Alam niyang dugo pa iyon sa mga panahon ngunit halo halo na ang nararamdaman niya. God give her a chance again to be a mom. He blessed again her womb. Kagabi pa siya