Nabigla si Valerie nang madatnan sa sala ng bahay ng kanyang tiyahin ang hindi inaasahang bisita. Napatda siya sa kanyang kinatatayuan, hindi malaman kung tutuloy ba siya sa pagpasok o hindi. "O, ate, bakit napatigil ka," palatak na tanong ng kapatid na hindi na niya nagawang pigilan pa sa pagiging talakera nito. Saka lang ito nakaramdam nang mapansin ang kasama ng kanyang tiyahin sa sala na noon ay kapwa nakatingin na sa kanila. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang pumasok na sa bahay. "O, nandiyan na pala kayo, ilagay mo na sa kusina iyang pinamili niyong Valeen at ikaw naman Valerie ay pumarito dahil may bisita ka," turan ng tiyahin na bumasag sa katahimikan nilang lahat. "Ate, akin na iyang hawak mo," untag ng kapatid sa kanya na nagpabalik sa kamalayan. Wala tuloy nagawa si Valerie