Nang maramdaman ni Frank ang mga yabag papalapit sa kanya sa may banyo ay mabilis siyang napangiti, bago pa man siya katukin nito ay ibinukas na niya ang pinto. Doon ay nakita ang seryosong mukha ni Valerie, ngunit unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Siya naman ang naging seryoso. "Hmmm! Sir, nandito po ang mama niyo," turan ni Valerie nang magtama ang paningin nila. Bigla kasi siyang natatawa nang makitang tagaktak ng pawis ang boss na ilang minuto lang nakulong sa kanyang maliit na banyo. Nang makitang sumeryoso ang mukha nito ay agad na pinalis ang ngiti sa mga labi, ngunit nang humakbang ito palabas ng banyo ay palihim siyang napangiti. Lalo na nang marinig ang usapan ng mag-ina, samantalang tinungo naman niya ang maliit na kusina upang magpainit ng kape para sa kanilang