Napapalunok si Valerie sa klase ng tingin na bininigay sa kanya ng ginang. Alam n'yang gusto lamang nitong protektahan ng anak pero katulad n'ya may bata na silang dapat isaalang-alang. "Tita, sa totoo lang ay napapaisip ako. May bata na kasing involve at ayaw kong mawalan s'ya ng buong pamilya dahil sa 'kin," aniya sa bagay ba na nasa isipan. "Hija, 'yan ang gusto ng babaeng 'yon pero hindi natin ibibigay ang 'yon sa kan'ya. Mamatay muna ako bago s'ya maging parte ng pamilya namin!" matigas na turan ng ginang na mas lalong nagpalunok kay Valerie. Mukhang malalim ang ugat ng lahat dahil sa bigat ng salitang binitawan ng ginang. Hindi na lamang s'ya umimik pa dahil ayaw n'yang mas lalong sumama ang timpla ng kasama. Kita naman kahit paano na nagiliw 'to sa pagsusukat muli sa kanya ng ila