Pagdating ni Frank sa coffee shop sa tapat ng building nila ay agad na nakita ang kaibigang si Bray na noon ay nakataas ang kamay upang kunin ang kanyang pansin. Nang makalapit siya rito ay agad itong bumulong sa kanya. "Your mom and your secretary are here," ani Bray, dahilan upang agad na mapakunot ang kanyang noo. "Where?" maang niya. Biglang kinabahan si Frank kung bakit kausap ng kanyang ina si Valerie, ito ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Valerie na sumang-ayon sa gusto niya kahit alam niya at ramdam niya na mahal pa rin siya nito? Agad na nginuso ng kaibigan ang kinaroroon ng mga ito. Doon ay nakita na tila matiim ang usapan ng dalawa. Tinangka pa siyang pigilan ni Bray sa gagawin niyang paglapit sa dalawa ngunit wala itong nagawa. Mabilis na nakalapit sa mga ito at narinig ang